Chapter 26

3.3K 60 8
                                    

MIKA'S POV

Ilang araw na silang confined sa ospital ngayon. Binalitaan naman kami ni Denden na posibleng madischarge na si Aly sa Linggo, kaya naman excited kaming lahat. Huhu! Miss na namin si Baldo.

"Guys, bisitahin natin si Aly ngayon." Aya ko habang kumakain kami dito sa canteen.

"Sige!" Sabi nila maliban kay Jeron.

"Hindi ako pupunta, sinabi ko naman sa Mommy ni Aly sa bukas na ako bibisita." Ngiting sabi niya.

"Nakausap mo na parents niya Paps?" Gulat na sabi ni Thomas.

Natigil ako bigla sa pagkain ko. Oo nga pala, may gusto siya kay Alyssa. Aaminin ko, nagseselos ako tuwing magkasama silang dalawa. Hindi nga dapat ako magseselos kasi pinakawalan ko si Je. Ngunit naguguluhan ako, bakit ako magseselos sapagkat pinakawalan ko siya? Kung alam niya lang, aamin na din ako sa kanya nun kaso may dahilan talaga kung bakit ko siya binasted nung gabing yun.

FLASHBACK

LUNETA PARK

"May sasabihin ako sayo." Kabadong sabi ni Jeron.

Aamin na kaya siya?

"Go ahead." Sabi ko.

"Mahal kita, Mika. Alam kong ilang buwan palang ako nanligaw sayo pero matagal na tayong naging magkaibigan. Sa tingin ko sapat na yun para makuha ko loob mo. Oo, totoo yung sinabi ko na mahal kita. Pwede na ba maging tayo?" Sabi niya.

Mahal niya ako. Sinabi niya lang na mahal niya ako. Mahal ko na din siya pero hindi kami pwede at may dahilan para dun.

"Hindi tayo pwede. I'm sorry." Sagot ko habang umiiyak na. Napansin ko din na umiiyak na siya, bakit kasi hindi kami pwede? Tao lang din naman kami, nagmamahal din.

"Bakit? Ano ba ginawa kong masama? May nakita ka bang bago? Mika bakit hindi nalang ako?" Tanong niya habang umiiyak. Hindi ko na alam ang sasabihin ko, ayoko naman paabutin sa ganito ang lahat pero kailangan.

"Wala kang ginawang masama at mas lalong wala akong nakitang bago. Gusto kita! Mahal din kita pero hindi tayo pwede. Ayokong mapahamak ka, may pinanghahawakan ako hindi ko yun pwedeng sirain. Jeron, I'm sorry." Hinaig ko. Nakatitig parin siya sakin na tila nakikiusap na wag ko siyang pakawalan. Masakit pero kailangan kong gawin. Ayokong masira kaming dalawa dahil lang sa isang bawal na relasyon. Niyakap ko siya ng mahigipit, sobrang higpit para maramdaman niya na hindi ko siya niloloko sa mga sinasabi ko. Bumitaw din ako kaagad at iniwan ko siyang umiiyak dun sa bench.

Habang lumalayo, naririnig kong sinisigaw niya ang pangalan ko, "Mika! Pagusapan natin 'to! Wag mo akong iwan! Kung ano man yan aayusin natin. Bumalik ka dito!" Pakiusap niya, natigil ako sa paglakad at lumingon sa kanya. Mas lalong nadurog ang puso ko nang makita kong nakaluhod na siya sa harapan ko, sinusundan niya pala ako. Hindi ko na siya pinagpatuloy na magsalita. "Jeron, kailangan kong gawin 'to. Sorry, basted ka na." Sabi ko at tuluyan na umalis.

REYES' HOME

Umuwi ako sa bahay na puno ng luha, sumalubong sakin ang Daddy kong nakaupo sa sofa.

"Tapos na?" Seryosong tanong niya. Oo, siya ang dahilan kung bakit ko tinanggihan si Jeron. Nagaway pa nga kami dahil dun bago umamin si Jeron sakin. Hindi niya kasi gusto si Je, ang gusto ni Dad para sakin ay si Ysay Marasigan. Nagbanta pa siyang sirain si Jeron kapag kami ang nagkatuluyan. Diba, ang bait ng tatay ko? Dahil sa kanya, nawala yung taong nagpapasaya sakin.

Ang malala, wala siyang pakialam kahit nakita niya akong umiiyak na. "Oo, tapos na. Masaya ka na ba? Pinakawalan ko na yung taong makakatuluyan ko sana. Napakachildish mo parin ngayon! Daddy kita pero pinagkakait mo sakin yung kasiyahan na hinahangad ko! Porket ba iniwan ka ni Mommy ganyan ka na? Dinadamay mo sarili mong anak sa pagiging makasarili mo?! Ha! Pero dahil nangyari na ang nangyari, hahayaan nalang kita. Sirain mo na kasiyahan ko, wag mo lang guguluhin ang buhay ng mga kaibigan ko pati si Jeron!" Pasigaw kong sabi habang pinupunas ang aking luha. Tumayo bigla ang tatay ko at sinampal ako sa mukha. Wala akong naramdamang sakit, manhid na ako. Madalas niya akong sinasampal pag may nagawa akong mali.

Mahal Kita! Walang Iwanan... Peksman! [Kiefer Ravena & Alyssa Valdez] - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon