Chapter 39

3.2K 54 3
                                    

Umakyat si Jia at pagbukas ng pintuan ay nakita niya si Marge na umiiyak habang pinapatahan ni Michelle. Agad siyang lumapit at umupo sa tabi niya saka kinausap.

"Ate, tama na po." Pagtahan ni Jia.

Habang umiiyak ay bigla siyang nagsalita, "Bakit ganun? Lahat ng taong minamahal ko, may umaagaw... Hindi ba sila pwedeng makuntento sa kung anong meron sila?" Matinik niyang tanong habang nakahawak sa dibdib niya. "Una si Anjo, ngayon si Kiefer... Sinong susunod?"

"Narealize lang ni ate Alyssa ang mali niya." Sagot ni Jia. Tinignan siya ni Marge ng may halong inis sa mukha. "Kung kailan huli na ang lahat." Patuloy ni Jia. Tumingin din ito kay Michelle na sobrang nagalit kanina kay Alyssa, ngayon ay bakas sa mukha niya ang pagkainis doon. "Ikaw, hindi mo naman kailangan makipagsigawan... Sana inintindi mo muna ang side niya."

"Inintindi? Inintindi ko naman ang side niya, sadyang mali na talaga ang ginagawa niya ngayon. Iwanan ba naman si kuya Jeron sa ere..." Depensa ni Michelle, hindi nakapagsalita si Jia matapos nun.

"Hindi niya kasi alam kung anong naramdaman ni Kiefer nung iniwan niya, kaya ganyan ang asta ngayon. Tingin niya madali niya lang makukuha ulit si Kiefer. Alam kong gusto niyang maibalik ang dati pero hindi ako papayag." Diretsahang sagot ni Marge. Hindi niya hinintay na magsalita si Jia at umalis siya sa kwarto para bumaba.

"Isa lang ibig sabihin nun Ji, nakarma na si ate Alyssa." Patuloy ni Michelle habang nakatingin silang dalawa sa pintuang sinarado ng padabog ni Marge.

Tumingin si Jia kay Michelle, "Alam namin yan pero pakiusap, wag ka naman ganyan... Michelle respetuhin mo din si ate." Pagkatapos ay hinawakan ni Jia sa kamay si Michelle at muli niyang pinakiusapan. "Mich, team mates tayo... Ito lang isa kong pakiusap at para sa ikabubuti natin lahat, kalimutan niyo muna ang araw na ito dahil may laban pa. O itago niyo nalang ang galit para hindi makaapekto sa susunod na labanan. Act Professional." Saka niya binitawan at umalis ng kwarto nila Marge.

Bago siya umalis ng kwarto ay tinanong si Michelle kung gusto ba niyang kumain at sinagot siya na susunod nalang. Bumaba agad si Jia para sumabay sa iba.

**

Pagkababa ni Jia ay kumakain na ang iba.

Seating Arrangement:

Amy-Ella-Den-Aly-Aerieal-Kim-Ana-Vacant

Jamie-Gizelle-Bea-Marge-Vacant-Mae

Umupo si Jia sa tabi ni Marge at nagsimula na siyang kumain.

Nakalimutan ko nga palang sabihin, wala na sila Jhoanna, Natasha at Jirah dito dahil nagmove out sila noong katapusan ng Disyembre. Si Natasha kasi ay gagraduate na ngayong Marso kaya mas pinili niyang umalis ng maaga. Sina Jhoanna at Jirah naman ay babalik sa June.

Mas kapansin-pansin naman dito ang pagtapat ni Marge at Alyssa habang kumakain. Si Alyssa ay normal na kumakain at sobrang tahimik habang si Marge naman ay medyo padabog kumain, siniko naman siya ng mahina ni Jia kaya napatingin siya dito. Binigyan siya ni Jia ng chill-now-explode-later look, inilingan siya ni Marge at kumain ulit. Bumaba naman si Michelle para sumabay sa kainan, katabi nito si Ana.

Pagkatapos nila kumain ay kanya-kanyang ligpit bago umakyat sa taas.

**

Sumabay sina Ella, Den, Jia, Mae at Amy kay Alyssa pagakyat sa taas at pumasok sa kwarto. Nagpaalam si Jia at Amy kung pwede dumito muna sila dahil hindi mapakali dun sa dalawang mainit ang ulo. Pumayag naman ang apat kaya kinuha ng dalawa ang unan, kumot at isang foldable mattress na pagmamay-ari ni Amy. Buti nga at may foam dahil paniguradong sahig ang tutulugan nila pag wala iyon. Pagkatapos ng dalawa maglatag ay nagusap silang lahat sa kwarto.

Mahal Kita! Walang Iwanan... Peksman! [Kiefer Ravena & Alyssa Valdez] - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon