My Stupid Lover 20

6.7K 168 3
                                    

< Madison Alexis' POV >

'Natawagan mo na ba si Tita? Where is she na?' pang-ilang tanong na'to ni Trish for the past twenty minutes.

'I told you, she's on her way. Calm your skirt, woman.' Nich answered with the tone of annoyance.

Patuloy naman sa pagpapabalik balik si Trish sa nilalakaran nya. She looks like an agitated boss. 'Naku ka talaga Madison Alexis! Dahil dyan sa kaharutan mo kaya hindi ko naenjoy yung fitting ng mermaid tail!'

I slumped back to the dining chair where the both of them dragged me into. Tinitigan ko na lang ng mabuti yung flower vase sa harap ko. 'Trish, I know that you know that your dramatics won't help you speed up time, kaya tigilan mo na yang retracing of steps chepar mo.'

Tumigil nga naman si Trish sa ginagawa nya pero sinamaan naman nya ako ng tingin. What's wrong with being honest, guys? Grabe!

'Yeah. You are too attached with this thing, let loose.' Nich said.

Pinandilatan naman ni Trish si Nich na ngayon ay kinakain na yung ipinahanda nyang sandwich. 'What?! Baka naman hindi mo nakita yung ginagawa ng kaibigan natin kanina?'

'I saw! But for Pete's sake! You are way too much! We are Alexis' friends, not his parents. Let tita do the work!' Nich raised her voice.

'You know girls, ituloy nyo na lang yang sermons nyo sa akin pagdating ni Mom. But for now, pwede bang manahimik muna kayo?' I mediated.

Tuluyan namang naupo si Trish sa upuang malapit kay Nich. 'Fine. Pero lagot ka pagdating ni Tita.'

Since wala naman akong magagawa, kinuha kasi nila yung phone ko na kanina pa tunog ng tunog, inenjoy ko na lang ang pagtingin sa mga house decors namin.

Hayy. Hindi ko alam na ganuon pala kaover yung magiging reaction nitong dalawa na'to. I mean, I expect them to do something, but not of this gravity. Pansin nyo naman si Trish diba? Hindi ko tuloy alam kung makokonsensya ako sa ginawa ko o maiinis sa inaarte nila. Hayyy.

'So, what is this emergency meeting you girls are talking about?' sabi agad ni Mom pagdating na pagdating nya sa bahay.

'Si Alexis po kasi, Tita.' Trish trailed off.

Tinignan naman ako ni Mom bago sya umupo. 'Bakit? Ano bang ginawa mo Alexis?'

This is it, mapapagalitan na talaga ako ng super! I took a deep breath before answering Mom. 'Ahm, you see Mom, I got a suitor.' nahihiya kong pagpapaalam.

'Really?! Sino? Bring him here sa house sa Saturday para makilala ko naman.' masayang sabi ni Mom.

'Simula pa lang kasi yan, Tita. Patapusin na muna natin si beks.' sabi naman ni Trish.

My Stupid Lover (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon