My Stupid Lover 48

3.1K 107 8
                                    

< Madison Alexis' POV >

"Manang, aren't you tiring yourself? Kanina ka pa pabalik balik dito sa room ko." I asked her while checking myself up in the mirror.

"Ang tagal mo pa kasi bago bumaba eh. Kanina ka pa nakatingin diyan sa salamin na yan pero wala namang nagbabago sa mukha mo."

Wow Manang, thank you ha? Ang laki ng tulong observation mo. Chi!

Kinuha ko na yung bag ko then I had a last glimpse of my reflection bago sinamahan si Manang pag-baba. "You Manang act as if bago ko lang 'tong ginagawa. Over ka ha."

"Hindi naman anak, kaya lang kasi naandito yung Daddy mo. At kanina pa siya naiinip." pagpapaliwanag sa akin ni Manang.

"Kararating lang niya, he should adjust to our norms and not the other way around. Tsaka bakit kailangan pang hintayin ako? Dala ko ba ang kakainin niya?"

Bahagyang napa-tawa si Manang sa isinagot ko pero pinigilan rin niya agad dahil malapit na kami sa Dining Hall. "Ikaw talagang bata ka. Oh, huwag makikipag-away sa harap ng kainan ha?"

I chose not to answer that. Aba, that's a very hard thing to do especially if kasama mong kakain ang most unbearable human being that ever existed.

"And here comes the royal highness." my father said sardonically.

Avoid the bad vibes Alexis, so not worth it. "Good Morning Mom, isn't this a great day?"

Nginitian ako ni Mom then she nodded.

My father then continued his sardonic act by saying "How I pity those fvcked up queers who act as if they're women. How pathetic."

Hindi ko pinansin ang sinabi niyang iyon. Let him talk until he tire himself. Sabi nga dun sa isang quote na nabasa ko somewhere: "The best way to annoy your enemy is to ignore them.". At yun ang ginagawa ko at this very moment. Am I not bloody brilliant for implenting those things in real life? Hahaha!

Patuloy ang pagpaparinig ng asawa ni Mom tungkol sa pandidiri niya sa mga binabae. As if namang pinakikinggan ko yung mga nonsense thingy niya. Let him die by running out of saliva for too much babbling.

Sandali pa ay natapos na ako sa pag-kain. I stood up and bade farewell to Mom. I was about to go out of the hall when I turned back and addressed something to Manang. "Manang, please don't serve ampalaya dishes any time soon. May mga tao kasi sa bahay na'to na imbes gawing lasa ang bitterness, ginagawang ugali. Kulang yata sa glucose, paulanan mo sila ng sugar Manang ha? Ciao!"

Hah. Take that, you old man! Akala mo ikaw lang ang magaling sa mockery ha? Bleh!

Dahil nga naging successful (in my own gorgeous opinion hihi) ang aking ginawa, nakarating ako ng school na pure good vibes lang. Hayy. I so miss that feeling.

"Good morning class! Please settle in immediately dahil I have some important thing to say." ohmygosh. Bukod sa 10+ minutes before the time nung dumating si Ma'am, nakaka-curious ang important thing to say niya.

My Stupid Lover (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon