My Stupid Lover 4

10.9K 322 18
                                    

< Gene Derick's POV>

Hi guys! Bago ang lahat. Gusto ko ipakilala sainyo ang sarili ko. Ako nga pala si Gene Derick Mendoza. 4th year sa OLICH. Di ko alam kung pano ko idedescribe ang sarili ko. Ayoko namang sabihing mabait ako pero hindi naman sa tingin ng marami. Ang contradicting lang diba?  Pero, sa isang katangian lang ako sigurado. Yun ang KAGWAPUHAN ko. :))) Aba di naman sa nagyayabang ako ha, pero yun ang madalas sabihin ni nanay sakin eh. At sabi nga ng isang salawikain, 'Mother knows best.' kokontrahin nyo pa ba yun? Hahaha. Tsaka gwapo naman si tatay, Maganda naman si nanay eh Alangang pumanget pa ako? XD

Panganay na anak ako nina mama at papa. Dalawa lang kaming magkapatid. Grade 3 na yung kapatid ko. Ang pangalan eh Justin. Kagaya ko din yun. Gwapo at matalino. :)) Di kami mayaman, pero di rin kami mahirap. Sakto lang. Bourgeoisie kumbaga. Citizens of the middle class sa ingles. Pinaspell yan samin last week sa English eh. Magagamit ko pala ngayon. Thanks ma'am!

Tama na nga ang paglalarawan ko sa aking buhay. Naglalakad ako ngayon papasok sa school. Medyo malapit lang kasi sa bahay namin ang OLICH eh. Kaya lakad lakad nalang. Tipid na, nakakapagexercise pa. Pandagdag pogi points din yun no. ;)

Malapit na ako sa gate ng OLICH nung may nakita akong maliit na tao na ang gara maglakad. Magara kasi feeling nya ata nasa fashion show sya. Grabe eh. Ang intense nung paglalakad nya. Mukhang mayaman din to. May hawak na cup ng Starbucks eh.

Feeling ko kilala ko to eh. Papasok din kasi ng OLICH yung tao eh. At yun nga, nakilala ko sya. Sya yung grabe makatitig nung pagpasok ko. Yung vice mayor ko sa 4Zeus. Si Alexis.

Alam nyo, interesting tong si Alexis eh. Pati yung mga kaibigan nya. Nabalitaan ko kasi yung mga ginawa nila nung 1st day. Ke tatapang nitong mga to! Kalabanin raw ba si Garie? They got some nerves to do that. Aliw na aliw nga yung tropa ko sakanila eh. Mga amazona. Hahaha!

Kaya naman kasi di ako pumapasok pag 1st day, SOBRANG BORING kase. Puro pagpapakilala lang naman ang gagawin. Alam ko narin naman ang rules ng school kaya di ko na pinapasukan yung 1st day.

Nakakatuwa din pala yung reaction nya nung unang beses na nakita nya ako. Mukha syang nahypnotized! Hahaha. Nanlaki kasi yung mata nya tas nakabuka pa yung bibig nya ng kaunti. It was as if my face placed him on a trance. And I found it hilarious kaya niloko ko sya nung nagkatabi kame. Nagblush nga eh. Amp! :))

Naisip ko tuloy na sabayan sya papasok. Ttry ko asarin. Haha

'Good Morning my little vice mayor ^____^' pagbati ko sakanya with a big smile at akbay pa yan ha. Haha

Pero imbes na sumagot, nagstiff sya bigla na parang nakakita ng multo. Anong meron dito?

'Uy! Ayos ka lang? May sakit ka ba?' tanong ko.

'Ha? Ah eh wala! Sige ha. Una na ako. Good morning din pala Mr. Mayor.' sabi nya sabay takbo. Ang weird naman nun.

So tumuloy na ako papasok ng room, nakita ko si Alexis dun na abala sa pakikipagusap dun sa mga kaibigan nya. Dumiretso ko sa upuan ko at naghintay nalang magbell.

'Uy pre! May assignment ka sa English? Pakopya naman. Nakalimutan ko kasing magsearch eh.' sabi nitong si Mark. Tropa ko.

My Stupid Lover (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon