< Madison Alexis' POV >
"Sigurado ka bang papasok ka na agad, princess? May mga pasa at hindi pa maayos yung lakad mo eh." Hayy. Ang kulit kulit talaga ni Kuya. He's been asking me with the same question the moment na magising ako. Kalurks.
Ipinatong ko na sa balikat ko yung bag ko tsaka bumaba. Sandali akong dumungaw sa window nung car ni Kuya saka ko siya kinausap. "I'm in the pink of health na Kuya, trust me. Papasok na ako ha? Ingat ka Kuya sa road and sa school! Bye bye!"
Saka ako nag-lakad papunta sa room. Narinig ko pang tinawag ako ni Kuya, I looked back and smiled at him. Kailangan niya yata ng vacation, masyado siyang na-stress sa hitsura ko. Hmp.
Buti nga ngayon slap marks at weird leg lang ang nakuha ko from the hitting of my Mom's husband. Back when I was in 3rd grade, I had to wear a pair of sunnies in school for two days. Binigyan kasi ako ng tatay ko nang panda eyes nuon. Eh nakakahiya namang ipakita yuon sa mga classmates at teachers ko kaya ayun, I had to wear sunglasses. Tinawanan nga ako nuon ng classmates ko eh, mukha daw akong bulag. Chi By the way, panda eyes ang tawag ko sa black eyes na tawag niyo. Hihi
May kalayuan pa ako sa classroom namin eh nakita ko ng nagtatatakbo papalapit sa akin sina Trish at Nich. Huminto ako sa pag-lalakad at tumayong normal. Bawal nila mahalatang may injury ako. Shh lang kayo ha? Good.
"So how was your short vacation, beks? May mga ginawa ba kayong alam nyo na? Hihi" interesadong tanong sa akin ni Trish.
Namula naman ako sa tanong niyang iyon. Wala naman kaming ginawang, erm you know, pero nakakahiya kayang matanong ng ganyan.
Nag-takip naman agad ng ears si Nich. What's up with her naman? "Please don't answer that, Alexis. I don't want to spoil my day this early."
"Hahaha! Oh Trish, you heard yung sabi ni Nich. Sorry na lang, girl." ang sinabi ko. Buti nga at ayaw ni Nich magpa-kwento eh, natatamad kasi akong mag-kwento.
Nag-simula na kaming tatlo mag-lakad papunta sa classroom. Bahagya akong nagpahuli para hindi makita nitong girlies ko ang ka-weirduhan nitong paa ko.
"Siya nga pala beks," biglaang sabi ni Trish sabay lingon sa akin. Patay. Nahuli nya yata yung lakad ko. Napakunot noo siya eh.
Yung kunot noo ni Trish ay napalitan nang magkahalong gulat at kilig yata. "OMG! Don't tell me may nangyari na nga talaga sa inyo, beks?!"
Ako naman ang nagulat sa sinabi nitong babaeng ito, may kalawakan talaga ang imagination niya. Kalurks. Idagdag pa ang hiya na nararamdaman ko ngayon. Ang lakas kasi nung pagkakasabi ni Trish kaya ayun, may mga nakarinig at napatingin sa amin. Mygosh.
"Hey Trish, I think those tricycle drivers outside the school didn't hear you. Try to raise your voice sometimes." umaapaw ang sarcasm sa sinabing iyan ni Nich. Pero inirapan lang siya ni Trish. Hayy.
"Yang imagination mo talaga, Trish. May nangyari between us talaga agad? Hindi ba pwedeng umiral ang katangahan ko at nadapa and got a bad landing lang?" sagot ko.