My Stupid Lover 34

4.7K 134 4
                                    

< Madison Alexis' POV >

"Beks, anong plans mo for your birthday?" biglaang tanong ni Trish sa akin.

Biglaan namang napa-kunot yung aking noo sa tanong na ito ni Trish. What's up with her?

"Err, you know that my birthday is 1 month from now pa 'di ba?" I answered, I showed that I am quite doubtful.

Pinagpatuloy naman ni Trish yung pagscan nya ng magazines. Without averting her gaze from the glossy pages, she said "I know, I know. Pero hindi ba dapat nagsisimula na ang preparation for that?"

Si Nich naman na abala sa pag-tingin sa aking closet ay sumingit na rin. "Hey beks, I'll have this." sabi nya sabay labas ng isang tank top na I bought from F21. "Anyways, Trish is right. You should start planning for your big day."

"I have a dirty white of that tank top Nich, yun na lang sa'yo." sagot ko muna dun sa arbor ni Nich. "Anyways, why don't you girls plan for that na lang? Nakatatamad yang mga ganyang gawain eh."

Tumigil sa mga ginagawa nila yung mga kaibigan kong girlies, agad silang tumabi sa akin sa kama.

"Consider your birthday the best day ever!" Nich smirked.

"With us as organizers, magiging talk of the town ang party mo!" Trish happily exclaimed.

Wow. Let's talk about humility girls, parang punom puno kayo nun eh. Tss mga feeling professional events organizer ang mga bruha. Hahaha

"Eh teka, ano nga bang theme ang gusto mo beks? Underwater, space, jungle, o rainbow?" tanong ni Trish.

Underwater? Space? Jungle? Rainbow? What am I, a 5-year old birthday celebrant? Buti at hindi pa nya dinamay sina Barbie.

"Confirm this na lang kay Mom ha, she said na gusto daw nya ng neon theme." I said shrugging. Hindi pa kasi ako nakaka-attend sa isang party na neon ang theme eh.

Lalo yatang bumakas ang excitement sa mukha nung girls after nila marinig yung theme na gusto ni Mom.

While nodding her head like Noddie, Nich said "Confirmed. Best party ever for your big day."

{ A/N: You guys know Noddie? Yung cartoon character na mahilig mag-nod ng head? Ang cute cute nya! Hihi Make way for Noddie! :)) }

"Oh sya sige, we'll take it from there. Chill ka na lang dyan, beks." sabi ni Trish. She looks like ewan lalo kapag ganyan sya ngumiti.

Hinayaan ko na lang sila sa ganyan nila. Silang dalawa lang naman kasi sa aming tatlo ang mahilig sa construction and organization of parties. Ako? I just like going into those parties. Hahaha

Oh baka akalain nyo naman na super party animals kame? Never ha. Alam namin ang rules, limitations, and boundaries namin when it comes to parties.

My Stupid Lover (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon