My Stupid Lover 64

4.2K 117 9
                                    

< Madison Alexis' POV >

"Oh, I will hope not to see your family here for the third time this year. Shall I?" ang biro sa amin ni doktora nung bisitahin niya kami habang nag-aayos na kami para makauwi.

Yes. Makakauwi na rin ulit ako! After so many days, mahihiga na muli ako sa napakalambot at napakaluwag kong kama! That's an exciting thing especially if you've been in a hospital bed for quite some time.

Full force ang lahat ng aking loved ones as we depart this hospital room. Nandito at abalang nakikipagbiruan kay doktora si Mom at Mama. Ang Kuya at si Kuya Cy naman ay abalang inaayos yung gamit na iuuwi namin, katulong nila sina Mark at Vincent. Si Gene? Ayun, nag-mukhang personal caregiver ko. Ayaw akong tantanan sa katatanong kung may kakailanganin ba ako o may nararamdaman daw ba akong kakaiba. Na-praning na ho yata ang aking loving boyfriend, ladies and gentlemen. Hahaha!

Hinahanap niyo ang aking sissies? Ayun, they're sitting comfortably in that couch while munching popcorn as they watch a movie. Sana hindi sila nag-mukhang baliw d'yan. Hahaha!

Ako? What am I doing? Erm.. Hehehe! You see, bawal daw akong napapagod sabi nung doctors eh. Kaya heto, naka-higa pa rin ako sa hospital bed habang kumakain. Katabi ko nga rito si Justine at share kami sa food ko eh.

With all that is happening in the room, we didn't notice that my Dad came in. Napansin na lang namin siya nung mapa-sigaw ako sa gulat. Eh paano ba naman kasi, tumayo ba naman ang Dad dun sa pinaka-dulong part ng room? Parang ewan eh. Hahaha!

"Nasa baba na yung coaster. We can go now." ang sabi ni Dad nung mapansin na namin siya.

Taray ng Dad ano? Coaster ang dinalang sasakyan. Imbes na mag-mukha kaming normal na citizens ng country na ito, we'll look like a bunch of tourists eh! Hahaha! Pero ayos lang, at least kasya ang lahat dito. Hindi kasi kasya kapag van lang, and ayaw ko ng masikip sa van.

"Huy babe! Tabi tayo ha?" tanong sa akin ni Gene nung maka-sakay kami sa coaster.

"Sino nga yung magtatabi, hijo?"

Natawa na lang ako sa biglang pagka-nerbyos nitong boyfriend ko sa harap ng tatay ko. It's so funny! Hahaha!

Dahan dahang tumayo at nag-lakad paatras si Gene. "Ahm, ahh s-si Mark po. O-opo, si M-mark po yung katabi ko."

"I thought so too." sagot ni Dad. Nilingon naman niya ako as he gave me a wink. Aww, ang cool ni Dad! Hihi

For sure, naninibago na kayo. I mean, sobrang overused ko na yata ang word na "Dad" and all that is synonymous to it.

Well, hindi niyo naman ako masisisi kung tatawagin kong Dad ang tatay ko. Alangang yung driver nitong coaster yung tawagin kong Dad 'di ba?

But seriously, I'm just trying to catch it up with my father. Lalo pa't buo at maayos na ulit yung family namin? It's really just appropriate to do that.

My Stupid Lover (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon