My Stupid Lover 30

5.3K 177 13
                                    

< Madison Alexis' POV >

"Alexis hijo, gumising ka na dyan at may bisita ka sa baba." paggising ni Manang sa akin for the nth time.

"5 minutes more Manang." I replied sleepily.

"Naku kang bata ka, tumayo ka na, nakaka-kalahating oras na tayo dyan sa 5 minutes mo." pagpipilit nya.

Bakit naman kasi kailangang gumising ng maaga eh. Weekend na kaya! Dapat tulog pa ako nito eh.

Tuluyan na akong bumangon mula sa pagkakahiga.

"Oh dalian mo dyan ha, mapapagalitan ka na nyan ng mama mo." huling sabi ni Manang bago sya lumabas ng kwarto ko.

Kasi naman eh, why can't I sleep like a log every weekends? Huhuhu. No choice na kundi maligo at magayos na agad, mapapagalitan na ako nito ni Mom. Tsk

In a record breaking time of 30 minutes, naiayos ko na ang sarili ko. Muli kong tinignan sa salamin yung hitsura ko bago ko kinuha yung aking bag at bumaba na

.

"Princess, you know na masamang pinaghihintay ang mga bisita diba?" sabi sa akin ni Mom pagdating ko sa living room.

Tinabihan ko yung bisita ko at pasimpleng kinurot. Asur kasi eh. "Sorry Mom. Kasi tong si Gene eh, I told him na after lunch na lang sya pumunta pero pinilit nyang brunch time."

Yeah. Si Gene yung bisita ko today. Pupunta kami sa kanila ngayon, ipakikilala na raw nya ang kanyang first relationship sa kanyang parents at kapatid. Same with me, kaya sya nandito kasi sasabihin ko kay Mom na kami na.

Speaking of our relationship, 1 week na yung lumipas after ko sya sagutin. And in all fairness, sobrang consistent nya.

All the sweetness that he shows, the affection that he showers me and his full attention that he gives, they're all consistent. Nakakakilig! Napakasaya! Hihihi

"Eh saan ba kasi ang punta nyong dalawa para hindi kayo magkasundo sa oras?" tanong ni Mom sa amin.

"Sa bahay po namin tita. Ipakikilala ko po sya kina Nay." sagot ni Gene.

Medyo na-weirdan sa sinabi ni Gene si Mom, alam nya kasing kilala na ako ng family ni Gene. "Pakikilala? Eh matagal na syang kilala ng family mo ah?"

"Erm, Mom? We need to tell you something." singit ko.

"Hoy Alexis, huwag mong sasabihing saking isinuko mo na ang mga bagay bagay? Kahit bading ka hindi pa dapat ginagawa yan, masasabunutan talaga kitang bata ka." banta ni Mom.

Ohmygosh! I didn't know namang malala rin pala ang creativity ni Mom sa pag-iisip. Sinuko ang mga bagay bagay? Seriously?

"Your imaginations do astound me Mom. Ikaw na nga Gene ang magsabi." nasabi ko na lang.

My Stupid Lover (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon