My Stupid Lover 14

6.7K 222 34
                                    

< Gene Derrick's POV >

'Hoy anak kong gwapo! Bumaba ka na ha. Magaalmusal ka pa, baka malate ka sa try outs mo!' sabi ni Nanay pagkatapos subukang gibain ang pinto ng kwarto ko sa pagkatok ng napakalalakas.

'Pababa na po Nay! May inaayos lang po.' sagot ko naman.

Narinig nyo naman siguro yung ingay ni Nanay, ano? Kung oo ang sagot nyo, pumunta na kayo sa mental. Paano nyong maririnig ang binabasa nyo lang? Hahahaha!

Mabalik tayo, yun nga, ngayon na yung try outs namin sa basketball para sa Sportsfest. Hindi na ako kinakabahan na baka di ako makasali. Eh si coach nga mismo nagsabing isasali nya kami eh. May favoritism ang basketball coach ng OLICH, at kami ni Mark ang favorite nya. Hahaha!

'Nay! Nakababa na si Kuya!' sigaw ni Justin kay Nanay nung makita akong nakababa na.

'Pakainin mo na yang kuya mo, Justin! May try out pa yan!' ganting sigaw ni Nanay na nasa kusina.

Umupo na si Justin at nagsimulang magsandok ng kakainin. 'Oh kuya, pagsasandok at susubuan pa ba kita? Kumain ka na.'

Bakit ba may mga saltik sa utak ang mga nakatira sa bahay na ito? Hayy.

Kumain naman na ako. Medyo kaunti nga lang yung kinain ko, baka kasi bigla akong mangailangan ng trono. Kahiya pa naman yun.

Pagkatapos ng ilang minuto, lumabas na si Nanay mula sa kusina. 'Oh Derrick, aalis ka na ba?'

'Opo Nay.' sagot ko habang tinitignan ang sarili sa salamin. 'Sya nga pala Nay, sa susunod wag na kayong kakatok sa pinto ko ha? Baka bumigay na yun sa lakas ng pagkatok nyo eh.'

Nilapag muna ni Nanay yung hawak nyang plato sa lamesa bago ako sinagot. 'Mura lang naman anak yung pagpapakabit ulit ng pinto dyan kina Manong Celso kaya ayos lang kung masira yang pinto mo.'

Tignan nyo? Mapapagastos pa kami sa kagustuhan ni Nanay maging kakaiba. May problema ata tong si Nanay sa utak.

'Bahala ka na nga dyan Nay, pera mo naman yang gagamitin mo eh.' sagot ko kay Nanay. 'Oh paano, alis na po ako. Uwi din ako agad Nay.'

'Kahit huwag ka ng umuwi Kuya. Joke lang Nay!' sabat naman nito ni Justin.

Nilapitan naman ako ni Nanay at hinalikan sa pisngi. 'Wag kang uuwi hanggang hindi ka kasama sa team ha? Ingat ka.'

Hindi ko nalang pinansin yung mga pinagsasabi ng pamilya ko. Mapapahaba lang pag sinagot ko, wala namang patutunguhan.

Habang nilalakad ko yung daan papunta dun sa covered court, tinext ko na si Lex na pumunta. Nagreply naman sya na papunta na sya.

'Oh andito ka na pala dre, handa na?' bungad ni Mark sa akin pagdating ko sa sa covered court.

'Pang-limang taon na nating nagttry out Mark, kelangan pa ba akong maghanda?' sagot ko naman sa kanya.

My Stupid Lover (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon