My Stupid Lover 33

5.1K 150 8
                                    

< Madison Alexis' POV >

"Sige na babe, maupo ka na duon oh. Ako na bahala rito sa nililinis mo. Dali na." pamimilit ni Gene sa akin habang pilit na inaagaw yung walis tingting na hawak ko.

Lagi ko namang inilalayo sa reach ni Gene yung walis ko kada kukunin nya, gusto ko ako maglilinis eh.

"Ano ka ba, unfair yun para sa iba. Wala naman akong sakit or something pero tutunganga lang ako dun habang pinanunuod kayo." I reasoned out.

"Hayaan mo sila, mga bilad naman na yan sa araw eh." pilit pa rin ni Gene.

"The more that I need to do this! Duhh, I need to acquire tons of Vitamin D from the sun ng tumangkad naman ako." sabi ko pa.

Napa-buntong hininga na lang si Gene. Hindi nya ako mapipilit sa gusto nya lalo pa't lahat ng batchmates namin ay nahihirapan sa paglilinis.

Lumayo sa akin si Gene. That's a good thing, hindi ako maiistorbo sa aking paglilinis. Yippee!

Kahit na super sweaty na ako, I'm still enjoying this paglilinis task of ours. Aba, 2-in-1 din ata ito. Nalilinis mo na si Mother Earth, nakakapagexercise ka pa. Isn't that awesome?

Masaya kong inilalagay yung mga kalat na nawalis ko sa basurahan nang may tumapat na dalawang tao sa harapan ko. Iniakyat ko ang aking tingin upang malaman kung sino sila, si John at Gene pala.

"Esguerra." John said. You can feel the vibrating sense of authority in his tone.

I dropped all my cleaning materials before I stood properly.

"Sir, what can I do for you po, sir?" tanong ko sa aming Corps Commander.

"Tama na yang paglilinis, maupo ka dun sa bench. Huwag kang aalis dun hangga't hindi ko sinasabi. Kuha?" utos niya sa akin.

Ayy, titigil na ako sa paglilinis? Asur naman. Nag-eenjoy pa nga ako eh. Pero dahil utos yun ng Corps Commander, wala akong nagawa kung hindi tumango na lang.

Tinapik ni Sir John yung balikat ni Gene bago tuluyang umalis. Ako naman ay laylay balikat na ibinalik sa cleaning closet yung materials ko.

Tinabihan naman ako ni Gene dun sa bench. Asar ako sa kanya, pinakiusapan kasi siguro nya si John kaya pinatigil ako nun sa paglilinis.

"Hoy, ako lang ang pinauupo dito. Duon ka nga. Chupi!" pagtataboy ko.

Hindi naman umalis ni gumalaw si Gene sa kinauupuan nya. Aba, inaasar nya ba ako lalo? Tsk

"Hoy! Alis na rito! Isusumbong kita sa officers, sige ka." banta ko pa.

Bahagya namang lumapit si Gene. "Sorry na babe, bati na tayo."

My Stupid Lover (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon