24
< Gene Derrick's POV >
'Kuya, bumaba ka na daw. Malapit na dumating si papa.' narinig kong sabi ng kapatid ko pagkatapos katukin yung pinto ng kwarto ko.
Oh? Long time guys ah! Kamusta naman mga buhay buhay? Kalma lang lagi ha. ;)
'Oo, sandali lang. May tinatapos lang.' sagot ko sa kapatid ko.
Ano yung tinatapos ko? Wala naman, may binabasa lang ako sa internet. Medyo hindi ko nga maintindihan eh, mamaya na lang siguro.
Tumayo na ako sa aking pagkakahiga at sinimulang ayusin ang sarili. Presentable daw kasi dapat pag haharap sa pagkain, sabi ni Mama.
'Kuya, pahiram nga ng cellphone mo. Magzozombie tsunami lang ako, dali.' pagkausap sa akin ni Justine pagkaupo ko sa sala.
Ayan nanaman sya, ginagawa nyang PSP yung cellphone ko. Laro ng laro. Pero kung iisipin, ayos na yun kesa kung ano pang kagaguhan yang gagawin nya.
Inalis ko muna yung password ng cellphone ko bago ko iyon iniabot kay Justine. 'Wag mong idrain yan ha, sasapakin kita.'
Nagsimula na yung kapatid ko sa paglalaro. Mung adik nga eh, masyadong nabwibwisit pag namamatayan ng zombie. Hahaha!
'Hoy ikaw Justine, ginawa mo na ba yang mga assignments mo? Pag nakita kong wala pa yan ha.' pagkakausap ko sa kanya.
'Ayan! Namatay! Ang daldal mo kasi kuya eh!' asar nyang sagot sa akin. Aba ayos ah! Pinause nya yung laro sabay tingin sa akin. 'Kuya, kanina ko pa natapos yung homework ko. Sa school ko pa nga ginawa eh.'
Wais din tong kapatid ko eh. Bakit pa tinawag na homework ang homework kung sa school din nya ginagawa?
Hinayaan ko nalang si Justine sa paglalaro nya habang ako naman ay nanunuod ng pelikula sa Cinema One.
Nabigla na lang ako ng bigla na lang magsalita si Justine. 'Oh, Hi Kuya Alexis!'
Eh? Andito si Alexis? Taragis talaga tong kapatid ko oh, nilibot na ng tingin ko yung buong bahay pero wala naman sya eh.
'Ikaw nasasa--' pinutol ko yung sasabihin ko dahil sa nakita ko.
Nakalagay kasi sa tenga ni Justine yung cellphone ko. Meaning, kausap nya sa cellphone si Alexis.
Agad kong inagaw yung cellphone ko kay Justin sabay tinakpan yung mouth piece bago sya pagalitan. 'Ikaw ha, masama yung sumasagot ka ng tawag para sa iba.'
'Sino bang maysabi na para sayo yang tawag na yan, kuya? Teka iloudspeaker natin si Kuya Alexis.' sagot sa akin ni Justine sabay agaw nung cellphone ko.
'Hello ulit Kuya Alexis! Sino nga yung gusto mo makausap?' tanong ng kapatid ko pagkatapos mai-loudspeaker si Alexis.