My Stupid Lover 51

3.1K 110 5
                                    

< Gene Derrick's POV >

Matapos ng kaguluhan sa Caf, umalis na ako papuntang classroom matapos kong makapananghalian. Ako lang mag-isa ang pabalik, sinundan kasi nina Mark at Vincent si Alexis.

At gaya ng inaasahan ko, mapanghusgang mga mata mula sa mga mag-aaral ng eskwelahang ito ang nakuha ko.

Ikinaiinis ko man ang mga ginagawa nila, hindi ko rin naman sila masisisi. Hinayaan ko na lang.

Kahit pagdating ko sa loob ng classroom ganuon padin yung inabutan ko, at duon ako nag-simulang ma-inis lalo. Akala ko kasi ma-iintindihan nila ako, na hindi sila gaya ng mga tao sa labas.

Na-upo na lang ako at hinayaang lumipas yung asar ko.

Sandali pa'y dumating na si Mark sa tabi ko. Hindi ko na rin inaasahang papansinin n'ya pa ako, nalaman niya na yung nangyari eh.

"Saan ka pupunta, Nich? May pinag-uusapan yung klase 'di ba?" tanong ko kay Nich.

Uwian na ngayon pero nagpa-iwan yung buong klase para pag-usapan yung mga mangyayari sa School Fair. Kaya nga lang itong si Nich, naturingang officer, eh mukhang aalis na yata.

Hindi ako pinansin ni Nich, tumayo siya malapit sa pintuan. Ilang sandali pa'y tumayo rin si Trish at nag-lakad palabas.

Nagsimula na akong ma-inis sa inaakto nilang dalawa, nakakabastos na sila. "Itigil n'yo yang mga kaartehan niyo! Mga officer pa man din kayo pero ganyan kayo kung umasta? Kabastusan 'yan!"

Lumingon sila sa akin ng may galit sa mga mata.

"Eh ano pa bang pag-uusapan dito? Alam na namin ang lalamanin n'yan, kami nga ang nakaisip niyang mga ideas na yan 'di ba? Remember that Derrick? Yung para ka lang tuod sa katahimikan?" pang-uuyam sa akin ni Trish.

"Come on girls, let's just get this over and done with. Balik na sa upuan Nich and Trish." agad na pag-sabat ni Alexis sa pag-uusap namin.

Tatlong katok sa pinto ang nagpa-tigil sa kung ano man ang sasabihin ni Nich. Pinapasok nila Nich yung kumatok, yung kaibigan pala nung kapatid ni Alexis, si Cyryll.

Napa-kamot ng batok si Cyryll sa inabutan niya. "By the looks of it, I am interrupting an important meeting."

"Meron nga. Ngayon aalis ka na ba?" sagot ko.

Nagulat si Cyryll sa sinabi ko, gayundin yung buong klase.

"Tsk. Akala ko ba Derrick bawal ang kabastusan dito? Eh ba't ganyan ang inaasta mo sa bisita? Ano 'yon?" napapa-iling na tanong ni John sa akin.

"Anong masama sa sinabi ko? May pinag-uusapan tayo dito 'di ba? Bakit, alam ba n'yo makatutulong ba siya sa kung anuman yung pinag-uusapan natin?" pag-depensa ko sa aking sarili.

My Stupid Lover (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon