My Stupid Lover 40

4.2K 135 1
                                    

< Gene Derrick's POV >

Oh kamusta kayo? Matagal tagal na rin nung huli tayong nagkaroon ng pag-uusap 'di ba? May mga nabago na ba sa inyo? Hangad ko ang kabutihan sa mga pagbabagong naganap sa inyo.

Ano? Tinatanong nyo kung may nagbago ba sa akin? Teka, pag-iisipan ko yang tanong nyong iyan ha. May kahirapan eh. Hehe

Ahh. Medyo may mga nagbago nga sa akin. Mas masaya ako ngayon, mas positibo ang tingin sa mga bagay bagay, palaging naka-ngiti pero syempre yung ngiting hindi mapagdududahang takas sa mental. Hahaha Mas gumaan na rin pala ang tingin ko sa buhay.

Siguro ang isasagot nyo sa akin ay kaya ako nagbago ay dahil kay Alexis. Tama at mali kayo d'yan.

Nagulat sa sagot kong mali? Ang paliwanag ko dyan ay hindi naman talaga ako nagbago para kay Alexis. Sabi nga ng ilan, hindi maganda ang baguhin mo ang sarili mo para sa taong pinakamamahal mo. Hindi maaring si Alexis ang maging dahilan sa lahat ng pagbabagong mangyayari sa akin.

Kaya naman naging madali para sa akin ang pagbabago ko kasi sa tingin ko, mas sasaya pa kami ni Alexis kung mas gagaan yung tingin ko sa buhay.

Ganun naman kasi talaga yun 'di ba? Para makapagpasaya at makapagpagaan ng loob ng ibang tao, kailangan ikaw mismo ay masaya at magaan ang loob. Kaya nga napakarami nating magagaling na artista eh, tunay na emosyon kasi nila yung ibinabahagi nila sa ating manunuod sa pamamagitan ng mga karakter sa pelikula at telebisyon.

Ituloy na natin ang pagtalakay sa mahal ko dahil napag-uusapan na rin na man lang natin si Alexis.

Ngayon ang unang linggo mula nung maganap yung party ni Alexis. At dahil nga katatapos pa lang nung party na iyon, mainit at patok pa ang mga balita sa mga nangyari nung Sabado.

Ito ang pangit sa eskwelahan namin eh, tinatalo talaga ng mga estudyante rito yung mga nag-iinumang tambay at mga nagdedebateng tsismosa sa tindahan sa kanto. Kakaiba, parang hindi itinuturo sa eskwelahang ito ang Values Education. Maiinam.

Mabuti nga at walang pakialam itong si Alexis sa mga opinyon ng mga estudyante dito, masasayang lang daw yung oras niya kung papatulan niya pa yung mga tsismosa.

Gaya na lang ngayon, pinaliligiran kami ngayon ng mga babaeng estudyante na hindi magkamayaw sa pakikipagdaldalan sa mga kasama nila. Siya nga pala, nasa Caf kami ngayong anim.

"Mads, who gave that necklace? I kinda like it." biglang sabi ni Nich matapos titigan yung leeg ni Alexis.

Napatingin naman kaming hindi nakapansin sa suot na kwintas ni Alexis. Maganda nga, halatang may kaya yung nagbigay dahil mukhang mamahalin yung kwintas.

Sandaling tinignan ni Alexis yung leeg nya bago sinagot si Nich "Oh this? Bigay ni Kuya Cy, 4 birthday gifts in 1 daw ito kaya maganda."

Masabi lang sa inyo ito, medyo nahihiwagaan ako diyan sa Kuya Cy ni Alexis eh. Para kasing may hindi normal sa kilos niya, parang dapat laging handa ka kasi baka maagawan ka na lang nyang bigla.

My Stupid Lover (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon