< Madison Alexis' POV >
"Hindi pa ba tayo matutulog? Ang prominent na ng eyebags ko oh!" reklamo ni Trish sabay pagturo sa eyebags nya.
Pilit kong tinignan yung orasan sa bedside table ni Nich. It is 3:47 in the morning already. I wonder, how many people in this country ang gising pa sa mga ganitong oras?
Walang pumansin sa nagrereklamong si Trish. For the past 3 hours, only the heavens have the actual count sa kung ilang beses nya na kaming pinersuade matulog.
I crumpled the piece of special paper that I am holding, pumangit kasi yung sinusulat ko dahil naubusan ng ink yung pen na gamit ko.
"I need a new pen." I told Nich.
Without looking up at me, kinapa lang nya yung box of pens na binili nila at nag-abot sa akin ng isa.
Nagpatuloy ako sa pagsusulat sa special paper na ito, my hands went numb after writing tons of stuff.
Pumasok naman si Tita Scarlet together with some house helps sa kwarto ni Nich na may dalang trays of snacks. Hahakbang sana papalapit sa amin si Tita pero pinigilan sya ni Nich.
"Step no more, Mom. The hangings there are still quite wet." sabi ni Nich.
Nagmukha nang fiesta sa dami ng mga nakasabit ang kwarto ni Nich. Rows and rows of specialized papers became hangings of the room.
So instead na sila yung lumapit, kami na lang ang lumapit para kuhanin yung mga pagkain na dala nila.
"Ilan pa ba ang tatapusin natin girls? Super unbearable na ang back pains ko!" tanong sa amin ni Trish.
Hayy. Ang reklamo ni Trish, isa naman sya sa mga nag-isip ng mga chepar na ito. Hinayaan ko na lang si Nich yung sumagot, hindi ko rin kasi alam kung ilan yung gagawin pa namin.
"Hmm. 50 more and we're done." sagot naman ni Nich.
Marahil ay nagtataka na kayo sa mga nangyayari. Bakit pa kami gising at a very ungodly hour? Bakit ang daming papel na nagkalat sa kwarto ni Nich? Bakit ang dami naming ginagawa? Some of what I mentioned are your questions too, right?
Let me start by telling that technically, today is the 3rd of November. The start of second term.
First Question, bakit gising pa kami kahit malapit na ang 4am? We are finishing kasi the invitations for my party.
Yes, kami ang gumawa ng invitations for the party. Mas personal and mas customized daw kasi kung kami na lang ang gagawa. Kaya hayun, namili sila Nich and Trish ng tons of papers, glitters, glow-in-the-dark pens, special blacklight paints and pens, neon arts and all the other stuffs.
Ginupit muna yung papers to the size of invitatiom cards then e coated the papers with the special blacklight paint, to give awesomeness to it. Hinintay yun matuyo then off we went with the designing.