My Stupid Lover 62

3.6K 120 17
                                    

< Gene Derrick's POV >

"Do not accompany your sorry with an excuse, it makes me hurt more." mahina niyang sabi sa'kin habang umiiyak.

Matapos yun ay nilapitan niya ako at niyakap. "Just let me. Just this once. Kahit five minutes lang."

"I am not breaking up with you." agad kong bulong kay Alexis pagkayakap niya sa akin.

"You just did. Stupid!"

Mula sa gilid ko, nakita ko sa hindi kalayuan ang isang lalaking abala sa pagkuha ng mga litrato namin. Mukhang tama nga si Kuya Kurt.

"Si Cyryll na ang magpapaliwanag sa'yo pero inuulit ko, hindi pa tayo hiwalay. Naiintindihan mo?"

"Si Kuya Cy? Bakit siya?"

"Basta. Paghiwalay ko sa yakap, kailangan mo ng umarte. Kailangan mapaniwala mo ang lahat na nag-hiwalay nga tayo. Tandaan mo, walang dapat makaalam nito, kahit sina Trish at Nich dapat hindi nila malaman."

Hindi ko na hinintay ang maaaring isagot ni Alexis sa'kin, tuluyan na akong kumalas sa pagkakayakap niya saka ko siya iniwan na lang.

Sa paghiwalay ko sa kanya, wala na akong nagawa kung hindi umasa na sana sapat na yung mga naipaalam ko kay Alexis para sumunod duon sa sinabi ko.

Alam kong mahihirapan kaming dalawa ni Alexis sa mga susunod na mangyayari pero ito ang kinakailangang mangyari.

Tiwala ako sa plano ni Kuya Kurt at sa kakayahan niyang tuparin ito.

Tiwala ako sa plano niyang magagawa naming mapagbago ang tatay nila ni Alexis kahit pa kailangan naming palabasin na nag-hiwalay kami ni Alexis.

{ Flashback ends }

Muli kong naalala kung paano namin sinumulan ni Alexis ang planong iyon ng Kuya niya habang nakasunod kami sa ambulansyang maghahatid kay Alexis sa ospital.

Pagdating namin sa emergency nung ospital, agad kong tinakbo yung ambulansya kung nasaan si Alexis. Dahil ngayong tapos na ang pagpapanggap namin, wala na akong balak lumayo pa sa tabi niya.

"Hanggang dito na lang po muna ang mga kasama nung pasyente, hintayin niyo na lang po ang pag-labas ni doktora." ang sabi sa'min nung nurse habang pinipigilan kaming makapasok sa emergency room

Wala kaming nagawa kung hindi maghintay para sa paglabas nung doktora kahit inip na inip kami.

Hindi ko alam kung kaya ko pa 'to. Wala pang tatlong buwan ay dalawang beses na kaming pumunta sa ospital na'to. Dalawang beses na ring nailagay ang buhay ni Alexis sa panganib.

Pero mas natatakot ako ngayon dahil mas malaki yung tsansa na may magbago kay Alexis ngayong nabagok siya kesa nuong unang beses na napunta kami dito. Ganuon kasi yun sa mga napapanood at nababasa natin 'di ba? Kapag daw nabagok ang isang tao, naaalog yung utak niya na nagiging sanhi nung mga pagbabago gaya ng pagkalimot niya sa amin at kung ano ano pa.

My Stupid Lover (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon