My Stupid Lover 26

4.8K 154 9
                                    

< Gene Derrick's POV >

Ginawa ko ba yung tama? Ginawa ko ba yung tama sa tingin ng lahat? Pero kung tama yung ginawa ko, bakit mahirap? Bakit nakasakit ako?

Pinanunuod ko hanggang sa mawala na sa aking paningin yung sasakyang pinanggalingan namin.

Alam ko, hindi lang ang kapatid ko ang nabigla sa mga ginawa nya* kanina. Sigurado pati sina Mark ay nagulat din.

{A/N: Gene Derrick was pertaining to Alexis sa word na may asterisk (*) Thankies!}

"Huwag ka ng umasang babalik pa yung sasakyan kuya. Halika na." pagkuha ng kapatid ko sa atensyon ko.

Pumasok na nga kami ng bahay, dumiretso agad ako sa kwarto. Gusto ko lang muna magpahinga.

*tok* *tok* *tok*

Yung tatlong malalakas na katok na iyon ang unti unting gumising sa akin, mga katok ni Nay yan panigurado.

Nakita kong madilim na pala sa labas nung sumilip ako sa bintana. Tumingin ako sa orasan, ilang minuto nalang pala ay alas-otso na ng gabi. Napahaba masyado yung tulog ko.

"Derrick! Ikaw ba'y lalabas dyan o ipagigiba ko pa itong pintuan mo?!" lagot. Kanina pa talaga siguro sila kumakatok.

Agad kong pinagbuksan si Nay ng pintuan. Nakapamewang ko syang nakita.

"Mabuti naman at pinagbuksan mo pa ako ng pintuan, Gene Derrick. Anong oras naba satingin mo ha?" tuloy tuloy na sabi ni Nay.

Napakamot ako ng ulo. "Pasensya na po, napahaba yung tulog eh."

"Oh mag-ayos ka na, kakain na tayo. Dalian mo Gene Derrick." pagkatapos sabihin yan ay bumaba na si Nay.

Agad rin naman akong nagayos, binilisan ko pa lalo dahil naghihintay na sila sa baba.

"Sa wakas at bumaba na rin ang presidente, maari na po ba tayong kumain?" bungad ni papa sa akin pagbaba.

Agad kaming dumiretso sa kainan, naupo at nagdasal bago kumain.

Nag-uusap usap yung pamilya ko tungkol sa mga bagay bagay. Ako? Nanatiling nakatuon ang pansin sa pagkaing tila hindi ko maubos ubos na nasa harap ko.

Hindi nagtagal ay napansin din ang ginagawa ko ni papa kaya tinawag nya ang aking pansin. "Akala ko sa basketball ka lang magaling Derrick, pati pala sa paglalaro ng pagkain. Gawin mo ng sport yan ha."

"Pasensya na po, wala pa lang po ako sa tamang huwisyo." dahilan ko.

"Hayy. Oh sige na, tapusin mo lang yang pagkain mo Derrick tapos matulog ka na ulit." singit ni Nay.

My Stupid Lover (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon