< Trish's POV >
"Galingan mo sa pagbabantay Kuya Cy ha? Kailangang hindi 'yan makalabas ng bahay."
"Aish! Ang hirap nun! Nagwawala na nga rito eh."
"Hayaan mo lang 'yan, Kuya Cy. Pupunta rin naman kami ni Nich d'yan mamaya para ayusan siya eh."
"Haist! Ang mga trip talaga ng mga babae ngayon... Oo na, sige na!"
Yes! Ang galing talaga ng aking persuasion! Ahihi
"How's Kuya Cy?" agad na tanong ni Nich after ko ma-ibaba yung phone.
To answer her, I gave my sweetest smile. "Siya muna ang bahala hangga't busy tayo dito."
Pero nasaan nga ba kami, some of you might ask that. Well, nandito lang naman kami sa playground ng village and inaayos namin siya para mamaya.
Speaking of mamaya, I am just oh so excited! Hihihi! It's like the day we've all been waiting for! Heto na ang araw na magiging pinakamasaya ang aming gay bestfriend! It's his best day ever! Hihi
Pasensya na. I just can't help but feel so happy for my Madison Alexis. Kasi after all the tragedies and mishaps, lahat ngayon maayos na. Everything is coming to its own place. Tsaka bakit naman hindi ako sasaya? Nag-ubos ng panahon si Derrick para lang mapasaya ngayong gabi ang bestfriend namin. Grabeng effort na 'yun para sa aming tatlo ha.
"M-maayos naman a-ang lahat 'di ba?" nangangambang tanong sa amin ni Gene. I can't blame him though, this is a big day for them.
Nginitian ko siya pagkatapos kong hawakan siya sa balikat niya. "Trust us, Derrick. Your happily ever after with my bestfriend will start tonight."
~~~~~~~~
< Clark's POV >
"Yes wife, I know what to do." pabulong kong sagot sa pang-ilang ulit na tanong ni Angel.
"Oh basta dalian mo ha. Baka hanapin ka ng anak mo."
"Sinong kailangang magmadali, Mom?" Aish! Ayan na nga ba yung sinasabi ko eh. Narinig na kami nitong si Alexis, eh hindi nga kami dapat makita nito eh.
Lumapit na sa amin yung anak namin at inobserbahan yung mga suot namin, nagtagal ang paningin niya sa'kin. "Where are you going Dad?"
"Ahh, sa convenience store lang anak. May ipinabibili kasi sa'kin yung Mom mo eh." medyo may kaba kong sagot.
Napataas ang kilay niya sa isinagot ko. Patay. "You do not wear formal clothes when you go to a convenience store."
Hindi ko na alam ang isasagot ko sa komento niyang iyon. Hindi ko talaga inakalang magiging mas matalino pa ang anak ko sa paghuli sa akin. Akala ko kasi todo na yung dati eh, grabe.