My Stupid Lover 29

5.1K 176 20
                                    

< Gene Derrick's POV >

"Dre, bakit ba hindi ka pa sinasagot ni Mare? Ikaw na lang naman ang manliligaw nya ah." tanong ni Mark sa akin.

Kauuwi lang namin mula sa school, tumambay muna si Mark dito sa kwarto ko.

"Hindi naman yata ganun yun dre, porket ako nalang natitira sasagutin na agad? Para namang napilitan lang." sabi ko.

"May punto. Baka naman mahihina yang mga da moves mo? Matatagalan talaga tayo nyan." usisa pa nya.

"Hindi ko na kailangang magda moves pa. Ayos na ako sa kaya kong gawin." sagot ko habang tinetext si Alexis.

Napag-uusapan na rin lang naman, magkwkwento ako sainyo. Alam nyo ba, dalawang linggo na ang nakalipas mula nung tumigil si Vincent sa panliligaw nya kay Alexis?

Kaya pala namumula yung mata nuon ni Alexis, baka naiyak sa mga sinabi sa kanya ni Vincent.

Kinahapunan nung araw na yun ay kinausap rin ako ni Vincent. Gusto nyong malaman yung napag-usapan namin? Heto flashback.

{ Flashback starts here }

Pasakay na sana ako sa sasakyan ni Mark para umuwi nung biglang may tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si Vincent paglingon ko.

Iniwan ko muna yung bag ko sa sasakyan ni Mark. Nagpaalam ring akong may kakausapin lang saglit.

Pinuntahan ko yung kinaroroonan nya. Sumandal sya sa sasakyan nya.

"Anong kailangan mo?" tanong ko kay Vincent.

"We need to talk again." maikli nyang sabi.

"Tungkol ba kay Alexis? Nabalitaan at nakita mo naman na siguro na maayos na kaming dalawa." sabi ko.

"I know, you did a very good job there. Pero hindi tungkol dun ang pag-uusapan natin." sagot nya.

Naguguluhan na ako sa lalaking ito. Tungkol saan ba ang pag-uusapan namin at sobrang nakakapang-antala ng pag-uwi ko?

Umayos ng pagkakatayo si Vincent. "I stopped courting Alexis."

Bigla akong nagulat sa narinig ko. Tumigil sya sa panliligaw kay Alexis. Pero bakit? Akala ko ba ayos ang lahat sa kanilang dalawa? Bakit sya tumigil?

"I know I can make him happy. Pero mas higit na kasiyahan ang maibibigay mo kay Alexis kesa sa kaya kong ibigay." may sa manghuhula pala itong si Vincent, nabasa yung iniisip ko.

Hindi ko alam kung dapat kong sagutin yung sinabi nya, hindi ko rin naman alam kung ano yung isasagot ko. Nanahimik na lang ako at hinayaan syang mag-salita.

My Stupid Lover (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon