My Stupid Lover 27

5.9K 186 9
                                    

< Gene Derrick's POV >

"Focus Marquez, focus!" sigaw ni coach sakin.

Muli kasi ay naagawan nanaman ako ng bola ng hindi ko namamalayan at naproprotektahan.

Humingi lang ako ng pasensya kay coach at ibinalik yung atensyon sa huling practice game ngayong araw.

Pero mukhang inaalat talaga ako ngayong araw, wala parin sa ayos yung laro ko. Patuloy akong naagawan ng bola.

Tumunog na yung buzzer na sinyales na tapos narin yung last practice game ngayong araw. Agad kaming lumapit at umupo sa tapat ni coach.

"Oh seniors, last practice na natin bukas kaya galingan nyo. Lalo ka na Marquez, ilang beses kang naagawan ng bola. Ayaw ko ng mga ganyan bukas ha?" sabi ni coach.

Tinanguan ko lang si coach tanda na gagalingan at babawi ako bukas.

Kailangan ko naman na talagang bumawi at galingan bukas, bisperas na yun ng Sportsfest. Hindi ako dapat magkaganito.

Nagiwan pa ng ilang mga paalala at bilin si coach para sa team. Syempre lahat ng yun ay pinakinggan at tinandaan namin.

"Ang ganda ng laro mo dre ah." puna ni Mark sa akin habang naglalakad kami papunta sa mga gamit namin.

Binatukan ko sya. Bwisitin ba naman ako lalo. "Namo! Nakuha mo pa talagang asarin akong hinayupak ka."

"Eh bakit naman kasi ganyan ka maglaro? Si mare nanaman ba?" usisa ni Mark.

Oo, si Alexis nga. Nakita ko kasing hinahatid ni Vincent si Alexis papunta sa sasakyan ni Nich. Nagtatawanan pa.

Pero hindi ko na yun ikwinento dito sa kasama ko. "Hinde. Inalat lang talaga ako."

Sakto ay narating na namin yung mga gamit namin. Umupo muna kami para magpahinga at uminom nadin ng tubig.

"Alam mo dre, hinahayaan mo lang kasi yung bola eh. Ayaw mong bantayan, ayaw mong ingatan. Kaya nakita mong nangyari, naaagawan ka. Gugustuhin mo bang sa huli ay tuluyang maagaw yung bola sayo?" tanong ni Mark sa akin.

"Teka teka, tungkol pa ba sa laro itong pag-uusap nato o pinangangaralan mo na ako?" usisa ko.

Para kasing timang, talagang gusto nya akong pangaralan. Ilang araw na syang ganyan, ikinokonekta sa kung ano anong bagay yung nangyari.

"Kailangan mo kasing maintindihan Dre. Hindi porket nahalikan mo na si mare eh iyo na sya, kaya ka nga nanliligaw diba? Nasa proseso ka pa ng pagangkin sakanya."

Muli ay binatukan ko itong katabi ko. "Tarantado ka talaga. Ilakas mo pa ng malubos yang kadaldalan mo."

Hinimas lang ni Mark yung pinagbatukan ko sakanya pero wala syang sinabi. "Ilang beses mo ng iniiba yung usapan natin dre. Pero alam kong alam mo na may punto yung mga pinagsasabi ko sayo. Ipagpatuloy mo yang kagaguhang paninindigan mo sa desisyon mo, hindi ka lang sa laro aalatin."

My Stupid Lover (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon