My Stupid Lover 36

4.3K 133 3
                                    

< April's POV >

Wow! Is this real? May sarili na talaga akong POV? Ang sayaaaaa! Ohmygosh!

Anyways, tama na muna ang pakikipagharutan sa inyo guys, katatapos ko lang kasi mag-excrete ng fountain of life. Sana gets nyo. Hahaha

Papalabas na sana ako sa cubicle upang maghugas ng kamay nang may biglaang pumasok sa restroom. Itutuloy ko na sana ang paglabas ko kaya lang napatigil ako sa mga narinig kong pinag-uusapan nila.

"Hey girl, paano na yan? Kalahati na ng section natin ang nagagalit sayo, ikaw naman kasi eh." sabi nung isang estudyante.

"Malay ko bang magkapatid pala sila? And please, hindi lang maka-get over ang classmates natin." sagot naman nung isa pang babae.

Teka, familiar yung boses nung isa ha. Parang narinig ko na somewhere yan eh. Hmmm Kanino nga ba yung boses na yun?

Aha! Tama! Kay malditang Garie nga iyong boses na yun! Pero sino ba pinag-uusapan nila? May panibago nanaman yatang pagtrtripan 'tong si bruhilda. Grr

"Eh paano ba naman kasi girl, ginalit mo ang buong Zeus. Hayan tuloy, nagbabaan mga grades nung iba sa'tin. Tapos may Athena pa silang kakampi, tayo ba may kakampi? Wala!" muling sagot nung kasama ni bruhilda.

Ayy, may point si gurlash dun. Kawawa ang mga Ares talaga ngayon, kahit acads nila damay sa nangyari.

Bakit nadamay? May mga teacher kasi na may importanteng ginagawa every day, so yung teacher na yun ay kukuha sa Zeus ng isa sa amin para maging student teacher for the day.

And you know what that means, additional power para sa amin. Kaya kawawa ang Ares kapag kami ang sub, kahit kasi gaano pa kaganda yung sagot mo, line of 7 lang ang ibibigay namin or lower line of 8. Pati quizzes nila, hinihirapan namin. Ang power trippers namin 'di ba? Ayos lang sa amin yun, kasalanan naman nila eh.

"Isa ka rin sa hindi makalimot eh. Hayaan mo na, malilimutan rin nila yan." tanging sabi ni bruha.

"Bakit girl, may plano ka na ba?" tanong muli nung kasamahan ni bruha.

Teka, parang si Alexis yata ang pinag-uusapan nila ah. Well, wala naman silang binanggit na pangalan pero bakit ba nagalit ang Zeus sa Ares? Dahil sinaktan ni Garie na isang Ares ang isang Zeus gaya ni Alexis. Tama, si Alexis nga itong pinag-uusapan nila.

"Kelan ba ako nawalan ng plano? Syempre meron ako, pero ililihim ko muna hangga't wala pa ang tamang panahon." ramdam ko ang kayabangan ni bruha sa mga sinasabi nya.

Pero hindi ko maiwasang kabahan sa mga kagagahang plano nitong si bruha, paano kung mas malala pa sa nangyari yung gawin nya sa susunod? Dapat malaman agad ito ni Alexis at nina Nich, pati na rin ni Derrick.

"Siguraduhin mo lang girl na magtatagumpay ka dyan sa plano mo. Baka tuluyan tayong hindi maka-graduate kapag naisahan tayo ulit ng Zeus." ang nasabi na lang nung alagad ni bruha.

My Stupid Lover (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon