< Madison Alexis' POV >
"Psst Manang!" pabulong kong tawag kay Manang habang abala siyang nag-aayos ng agahan namin.
Pa-sikreto naman akong sinagot ni Manang ng bakit raw kaya I said. "Ano bang chepar thingy nyang amo mo at nagpapatawag ng breakfast meeting?"
"Aba malay ko. Di ba ikaw ang anak? Dapat alam mo."
Nyerks naman 'tong si Manang eh. Itatanong ko pa ba naman sa kanya yung mga bagay na alam ko na pala? Kakalurks ka manang ha!
Eh dahil sa wala rin naman akong napala sa sinagot ni Manang, tahimik na lang akong nag-hintay sa pag-baba nung nagpa-meeting.
Haaay! Nakakaantok maghintay lalo kung ganito kaaga! Huehue! Ang aga nila akong ginising para daw maaga ako makapag-ayos dahil nga may family meeting chepar pa kami.
"Good morning, my princess!" Mom greeted me as soon as makapasok siya ng dining hall at makita ako. "Mukhang napa-aga ka ng gising ha?"
"Mom, nao-overpower na ng bigat ng mata ko yung actual weight ko. Super inaantok pa ako." my complaints.
"Well, baka ayaw lang nina Manang na ma-late ka for school, hayaan mo na lang princess."
Psh. Buti nga sana kung ganuon yung nangyari eh I can understand pa. Hayy my gorgeous eyes, I'm sorry for your suffering, I really am sorry.
"Good morning everyone." Eh? Anong drama naman yung napaka-pormal na boses, Mr. Esguerra? Hindi n'yo sinabi na official business meeting ang peg namin ngayon, I should've worn a suit. Chi
"As all of you might know, I will be celebrating my special day next month..." my father's prelude says.
Ayy guys! I have a fact that you'll surely find weird. Hahaha! Well, you heard naman na the old man will celebrate his birthday next month, right? Ang exact birth day niya is on...... the fourteenth!
HAHAHA! Yep! Yeah! I am not joking! Tunay na February 14 ang birthday ng asawa ni Mom. Totoo na as we all celebrate Valentines' Day, he is celebrating his special day. Ang weird and ironic 'no? Ang weird na yung may kasamaang tao ay nagbibirthday sa araw ng mga puso. Hahaha!
"Dahil dun, I'll be inviting our business partners, clients and friends to a formal party that'll be situated here."
Hayy. Businessmen and their formal parties, I really don't get you. I mean, for me, ang formal parties na yun ang men's version ng pakikipagplastikan eh. May point naman ako 'di ba? Puro false compliments and discreet bragging lang ang mga sinasabi ng mga umaattend dun! Ewan ko ba sa mga utak ng businessmen. Chi!
"So as expected, my family must look formal and well-groomed." he eyed me for awhile after saying that. What?! Am I not well groomed? Tch! "Manang, train our househelps on how to handle formal parties."