My Stupid Lover 57

3.2K 105 5
                                    

< Cyryll Primitivo Paraggua's POV >

"Ginalit natin eh, talagang ganyan."

"Aish! Dalawang linggo na pare! Dalawang linggo na tayong hindi pinapansin ng kapatid mo!"

"Eh anong gusto mong gawin ko?"

Haist! Nakakatanga namang kausap itong si Kurt eh. Hindi makita yung pinopoint ko.

Umakbay sa balikat ko si Kurt. "Tandaan mo kasing ginalit natin yung kapatid ko para maintindihan mo yung hindi n'ya pagpansin sa'tin."

Ngayon kasalanan ko pa. Kasalanan ko pa na pinaalam ko dun sa tao na may mga taong nasa paligid n'ya na handa siyang tulungan.

Sino ba naman kasing matino at nasa tamang pag-iisip niya ang mag-iisip na wala siyang ibang kayang ipagmalaki kundi yung pera ng pamilya n'ya?

Kaya nga nung natanggap ko yung text message na iyon ni Alexis eh nagulantang ang buo kong sistema.

I mean, since this fiasco started, I was always there beside him. Everyday. For how many hours of each day, we waste time doing nothing. I was at his call. I became everything he needed me to be. He was my top priority...

Then one day, from out of nowhere, because of that fvcked up girl named Garie, bigla na lang niyang i-imply na he has no one? That he has nothing?

Like what the fvck is that?!

Eh anong tawag sa'kin?

Seryoso lang, I was really offended when I read that. Para kasing hindi na-appreciate yung mga ginawa ko, na parang I was just paid or forced to do that.

But on the other hand, hindi ko mapigilang maawa dun sa tao. Hindi naman kasi siguro mararamdaman ni Alexis yung ganyan kung hindi nagbago yung pakikitungo sa kanya ng tatay niya. He was just like the other teenagers of this country, they have growing up problems.

Nagkataon lang na unlike the other teenagers, Alexis is filthy rich. Wealth beyond imagination that's added by typical parental issues is the perfect formula to make a troubled rich kid.

Kaya nga agad din kaming nag-punta ni Kurt sa eskwelahan niya nung araw na yun, baka kasi may kabaliwan nanamang gawin yun eh.

Hindi ko naman kasi talaga dapat gagalitin ng husto nun si Alexis eh, ipapaintindi ko lang na may mga tao na handa siyang tulungan, gaya na lang ng mga taong nakakasama niya araw araw sa loob ng kwartong iyon. Eh nabanas lang ako ulit kasi sumingit pa yung epal na sumapak sa'kin, dinagdagan pa nang mga salitang sinabi niya na sobrang ikinabanas ko lalo.

So yeah, you got it right. Nadamay lang talaga sa galit ko dun sa tarantadong sumapak sa akin si Alexis.

Pero hindi ko alam na umabot na pala sa ganuon yung pakiramdam niya. All I knew was he was just grieving because of his break up. Akala ko yun lang, hindi ko alam na sobrang bigat pala ng kinikimkim ni Alexis.

My Stupid Lover (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon