My Stupid Lover 39

4.3K 149 3
                                    

< Garie's POV >

Hayy. Napakaboring naman ng araw na'to. Ano ba magandang gawin sa isang nakatatamad na araw ng Sabado?

Ang corny kapag nanuod lang ako ng tv, walang magagandang palabas kapag Sabado. Napanuod ko naman na lahat ng dvd na mayroon ako kaya hindi din maganda yun.

Ayoko naman mag-internet, puro mga cheap na bagay lang ang makikita ko duon. Isa pa, wala rin naman akong matinong makakausap dun. Busy kasi ang buong school sa party nung mahaderang baklang iyon.

Shet naman! Wala nang kakwenta kwenta itong buhay ko, walang swerte sa lahat ng bagay! Tss Ang lakas maka-gag* ng buhay na'to.

*knock* *knock*

Anong arte yan? Bakit may pag-katok pang nalalaman? Kailan pa natutong gumalang sa privacy ko ang mga tao dito? Ayos ah.

Pinagbuksan ko ng pinto yung kung sino man ang kumakatok. Mga kaklase ko pala.

"Ginagawa nyo dito?" mataray kong tanong sa kanila. Wala naman kasi kaming usapan ngayong araw.

Pumasok yung isang mahadera, si Kath. "Nothing girl. Nagpapalipas oras lang."

Sinundan ko si Kath na ngayon ay abala sa pangingialam ng mga magazines ko. Sumunod naman yung isa pa nyang kasama, si Elaine.

"Hey Margaret, alam mong ngayon yung party nung bakla sa Zeus 'di ba?" tanong ni Kath matapos ang ilang sandali.

Sumingit si Elaine bago pa man ako magsalita. "Stop using sexual slurs, Alexis yung pangalan nung tao."

Rumolyo na lang ang mga mata ni Kath sa sinabi ni Elaine.

"So anong point mo, Kath?" iniwasan ko na lang na pansinin yung sinabi ni Elaine.

"Let's gate crash!" masiglang sagot ni Kath.

Nagulat si Elaine sa sinabing iyon ng kasama namin, miski ako nagulat ako eh. Loka loka ba 'tong babaeng ito? Gate crash? Gusto nya bang makulong kami?

Umiling iling si Elaine "Ayoko. Hindi ako sasama. Mapapasama lang ako sa binabalak mo." mariing tanggi nung tao.

"Oh eh di tayong dalawa na lang Garie. Game?" casual na pagkakasabi nung mahadera.

Kapag sumama ako sa kanya para mag-gate crash, masisira ko yung party nung bakla. Pero mapapahiya lang ako sa lugar niya. Pati sigurado madadamay nanaman si papa kapag nagalit nanaman yung nanay nung bakla, baka ipatanggal ulit si papa sa pinagtrtrabahuan nya.

Kapag hindi naman ako sumama, magagalit lang sa'kin itong si mahadera. At mabuburyo lang ako buong araw.

Mas kaya ko namang tiisin ang pagkaburyong ito kesa mawala nanaman yung trabaho ni papa.

My Stupid Lover (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon