My Stupid Lover 28

4.8K 164 12
                                    

< Vincent's POV >

*knock* *knock* *knock*

"Hijo, heto na yung hapunan mo. Kumain ka na muna." I heard Manang's calling behind the door.

"Manang, the door is open. Get in!" I half shouted to answer her call.

Pumasok si Manang dala ang isang tray na puno ng mga pagkain. Ipinatong nya yun sa bed side table near me.

"Oh hijo, kumain ka na ha. Uubusin mo yan lahat ha? Huwag ka ng tumanggi, hindi ka nagtanghalian." utos sa akin ni Manang.

Since I can do nothing to persuade Manang, hinayaan ko na lang. I'll try to finish this off.

"Teka nga Vincent hijo, may pinoproblema ka ba?" Oh shoot! Nahalata na ni Manang.

I still tried to deny, I just hope she'll believe. "Wala Manang, masakit lang talaga yung tyan ko today."

Manang look skeptic, she didn't believe. Lagot. "Kilala kita Vincent, baka nalilimutan mong ako ang nagpalaki sayo. Sabihin mo sa akin, ano problema mo? Mga magulang mo parin ba?"

"No not them. Wala pa naman silang iniuutos sakin eh." sagot ko.

"Eh kung ganun, ano yang pinoproblema mo?" Manang asked me.

I better tell her na some of what bothers me. "Manang, what if may gusto ka sa isang tao. Kaya lang yung taong gusto mo may gustong ibang tao at yung ibang tao na yun ay may gusto rin sa taong gusto mo. What will you do?"

Napakunot yung forehead ni Manang sa tanong ko. "Hindi ko naintindihan hijo, puro kasi gusto naririnig ko eh. Ulitin mo nga ulit."

"Let's put it this way, Manang you'll be Miss A. As Ms. A, you liked Mr. X. But Mr. X likes Ms. Y and vice versa. What will you do?" me rephrasing my question.

"Depende hijo. Pero siguro, hahayaan ko nalang si Mr. X at Ms. Y sumaya. Sasaya narin ako nun dahil makikita kong masaya si Mr. X" sagot sa akin ni Manang.

"But won't you push through with what you feel? Bakit hindi mo subukang ikaw ang magpasaya kay Mr. X?" I argued.

Tumayo sa pagkakaupo si Manang at nilapitan ako. "Vincent anak, may mga laban talagang hindi pa man nagsisimula eh alam mong talo ka na. At kahit subukan kong pasayahin ang isang taong gusto ko, kung hindi ako ang gusto nya, hindi sya tunay na sasaya."

Sinimulan ko ng kainin yung mga dinala ni Manang kasi wala na akong masabi pa.

Bago tuluyang lumabas ng kwarto ko, may sinabi sa akin si Manang. "Alam kong alam mo na ang dapat gawin Vincent. Kung hindi mo na makayanan, nandito lang ako."

Siguro medyo naguguluhan kayo sa kung ano ba talaga ang pinag-usapan namin ni Manang. I am just contemplating whether to continue pursuing Alexis or not.

My Stupid Lover (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon