My Stupid Lover 58

3.1K 108 5
                                    

< Cyryll Primitivo Paraggua's POV >

Hayy. Pang-ilang araw na nga ba 'to? Pangatlo na nga ba? Tama. Nakakatatlong araw na yata.

Tatlong araw na nga simula nung mataranta kaming lahat sa ginawa nung binabantayan ko ngayon.

Alexis, tatlong araw ka ng tulog. Why aren't you waking up? Do you still have plans to leave your dreamworld? Mukha kasing balak mo pang talunin si Sleeping Beauty eh, hindi ka hahalikan ng prince charming mo hangga't natutulog ka kaya bumangon ka na d'yan.

Habang itong binabantayan kong si Alexis ay sagana sa tulog, ako naman ay tila nawalan na ng pisngi dahil nasakop na ng mga eyebags ko.

Gusto kong magpakavain and all ngayon. Gusto kong magpa-facial at derma. Pero isinantabi ko muna yung pagpapagwapo ko dahil kailangan kong bantayan itong si Alexis. Tatlong araw na akong walang tigil na nagbabantay at nag-aabang sa pag-gising ni Alexis.

Pero huwag niyong isiping dakila ako. Hindi lang naman kasi ako ang tatlong araw na itinigil ang buhay para bantayan si Alexis. Pati rin naman sina bestfriend, Tita Angel, yung mga bestfriend na babae ni Alexis, yung mga lalaking kaibigan niya pati na yung sumapak sa akin ay lahat nag-leave sa mga ginagawa nila just so we can be there for Alexis. Kaya heto, tatlong araw na kaming nag-cacamping lahat sa kwarto ni Alexis sa hospital.

Oh ano, tumama yung kinatatakutan ko ano? Sinabi ko sa inyo eh, Masama at nakamamatay para kay Alexis ang utak niya. Naisip ko na na maaring may mangyaring gaya nito because of Alexis' current situation.

I vividly remember how it went for us three days ago.

{ Flashback starts here }

Matapos naming pag-usapan si Alexis ay bumalik kami sa kanina naming ginagawa, nanunuod ako habang si bestfriend naman ay nagbabasa.

"I'd just get a drink." paalam ni bestfriend sa'kin ng hindi inaalis yung tingin sa librong binabasa. Hindi ko na s'ya sinagot kasi busy ako dun sa pinanunuod ko.

The next thing I knew was I heard the sound of a glass breaking. Nilingon ko kung saan nanggaling yung tunog ng pagkabasag at nakita ko si Kurt na gulat na gulat habang nakalagay yung cellphone niya sa tenga niya. Ano bang trip nitong si bestfriend? Muntimang eh!

"Hoy ikaw mag-linis niyang binasag mo ha!" sabi ko sa kanya. Nakikitambay na nga lang kasi sa unit ko nakuha pang magbasag ng baso. Tsk

"Si Alexis...."

Eh? Ano raw? Tama ba yung narinig kong sinabi nitong mukhang natuklaw ng ahas sa pagkagulat kong bestfriend? May Alexis nga ba sa sinabi niya?

"Lakasan mo naman pare, muntanga naman 'to eh. Anong sinabi mo?"

"Si Alexis..." he repeated pero hindi pa rin nagbabago yung hitsura niya. Mas lumala nga yata ngayon kasi parang may mga namumuong luha na sa mga mata niya.

My Stupid Lover (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon