< Gene Derrick's POV >
'Umayos ka nga pare. Aarte arte ka ng ganyan eh kasalanan mo rin naman.' sabi ni Mark pagkapasok sa kwarto ko.
Oo, nakauwi na ako agad. Hindi ako nag-tutor kay Alexis sa sobrang asar at irita ko.
Sino ba namang hindi mababanas? Kasisimula pa lang ng linggo may kung anong kagaguhan na yang pinasiklab nyan ni Vincent. May mga pabulaklak pang kaartehan, bwisit!
Kaya heto, nagkulong ako sa kwarto ko. Mukhang nabahala si nanay sa mga inaarte ko kaya pinapunta tong si Mark dito.
'HOY DERRICK!' hiyaw ni Mark na sinabayan pa nya ng malakas na pagyugyog sa akin.
Itinulak ko sya ng matigil na yung kayuyugyog nya tsaka ako iritang sumagot. 'Ano ba?! Bakit nanaman?!'
'Aba, ayos ka din Derrick ah. Ikaw pa may ganang umasta ng ganyan?' isinagot sa akin nitong si Mark.
Teka, kanina ko pa napapansing banas sa akin tong si Mark ah. Ano bang ginawa ko dito para mag-inarte sya ng ganyan?
'Ano bang problema mo ha, Mark? Bakit ganyan ka kung umarte?' asar na tanong ko.
Inilapag muna nya yung song hits na binabasa nya bago ako tinignan ng masama. 'Eh bakit hindi mo itanong sa sarili mo kung ano yung problema ko?'
'Ha? Eh anong itatanong ko sa sarili ko, gaya ba nito? Hmm. Ano kayang ginawa ko para magkaproblema sa akin si Mark? Ganun ba Mark? Ganun ba?' sarkastiko kong tanong sa kanya.
'Ayan ang ayoko sa'yo pare eh. Daig mo pa babae kung umasta.' iritang sabi sa akin nitong kasama ko.
Tuluyan ng bumigay yung pasensya ko dito sa kaibigan ko. 'Oh edi kung hindi mo masakyan tong trip ko, edi umuwi ka na lang. Hindi ko kailangan ng sermon mo ngayon.'
Pagkasabi ko nun ay tumayo agad si Mark mula sa pagkakaupo at inayos ang sarili nya. 'Sus. Hindi mo na ako kailangan paalisin Derrick, aalis na talaga ako. Ewan ko ba dyan kay Mareng Alexis kung bakit iniyakan yang mga kaartehan mong walang kwenta.'
Teka, pakiulit nga yung sinabi nitong kaibigan ko? Baka kasi mali yung pagkakarinig ko eh. Tama ba na umiyak daw si Alexis dahil sa akin?
Palabas na sana si Mark ng pinto nung kinausap ko sya. 'Teka, umiyak si Alexis?'
'Oo. Dalawang beses pa nga eh. Bwisit kasi yang mga kagaguhan mo sa buhay.' asar na sagot ni Mark.
'D-dalawang beses? Bakit?' gulat kong tanong.
Isinara naman muli ni Mark yung pinto ng kwarto ko bago nya ako kinausap ulit. 'Oo, dalawang beses. Una yung sa Cafeteria, yung umalis ka habang kinakausap ka nya. Pangalawa, kanina lang. Nung hindi mo pinansin yung pagso-sorry nya.'
Hindi ko alam na ganun pala kasama yung ikinilos ko kanina para mapaiyak ko si Alexis. Hindi ko naman kasi talaga binalak na hindi sya pansinin, talagang asar lang ako dun sa kadramahan ni Vincent kanina. Nakaka-guilty tuloy.