CHAPTER 1 KNOWING THEM

16.3K 389 12
                                    






"Wooohh yeah!!" Sigaw ni aby habang sinasabayan ang musika. Umiikot ang balakang niya at sumasabay sa tiyempo ng tugtugin.

"Yeah!" Sigaw niya habang may hawak na mamahaling alak na dinampot kung saan'g mesa.

Punong-puno ang dance floor sa dark house club kung saan siya naroon.

Maraming lalaking nagtangkang lapitan siya. Pero dinedma niya ang mga ito.

Una! Hindi niya type!

Pangalawa, mga mukang cheap! Walang pera!

Pangatlo! Ang hanap niya ay isang mayamang gwapo na mamahalin at aalagaan siya.

At higit sa lahat ang iaahon sya sa kahirapan.

Nang mapagod siya kakasayaw, ay nagpahinga siya sa isang bakanteng lamesa na nandoon. Naupo siya dun habang hinihingal. Medyo tinatamaan na din sya ng alak. Pero gusto niya pang uminom.

Ang problema wala siyang pambayad para sa iinuming alak.

Pinalibot nya ang mga mata nya. Naghanap sya ng grupong mga lasing na.

Naningkit ang mga mata nya ng may makitang target.

Tumayo sya, at nilapitan ang mga yon.

"Hey! Enjoying the party!" Aniya sa mga ito.

"Yeah!" Sabi ng isa sa mga yon na halatang lasing na.

"Come on! Let's drink to that!!" Sigaw nya dahil sa lakas ng musika.

"Yeah!!" Sabay sabay na sigaw ng mga ito.

Inabutan sya ng isa sa mga yon ng isang basong puno ng beer.

"Cheers!!" Aniya na tinaas ang basong hawak.

"Cheers!!" Sigaw ng mga ito.

Nakagoyo na naman ang gaga! Ganyan ang buhay nya pag sapit ng gabi! E sa walang wala siya e. Kaya nagagawa niyang utuin ang mga ito.

"Kyaaa!!"

Muntik na nyang maibuga ang beer na iniinom nya sa pagtili ng katabi niya.

Puta! Ano ba naman! Letsugas naman tong babaing to oh! Parang tanga e!

"Oh my abs!" Anang babaing tumili.

Abs!? Nasan!? Nasan!?

"Oh so yummy!" Anito ulit.

Nasan ba kasi yung abs na sinasabi niya!? Nyeta oh!

"Ahm exuse me, anong sinasabi mo?" Tanong nya dito.

"Austin bravery Sandoval, the man of my dreams" anito na may kinang sa mga mata.

Sus! Pangalan lang pala akala ko naman literal na abs na nakita nya! Syete! Akala ko makakakita na rin ako ng abs! Sayangs naman oh!! Pero teka? Nasaan ba yung Austin na sinasabi nya ng mahusgahan.

"Where is he"

Kumunot ang noo nya sakin. Bakit? Masama ba magtanong?

"Seriously? Mukhang hindi mo sya kilala."

Obvious ba? Hindi nga!

Tumango ako sa kanya "he is one of the hot bachelor billionaire in Asia, the greek god half italian-american half pilipino. Who owns the wine industry all over the world. Blue eyes, perfect jaw lines, kissable lips, oh i loved to taste that lips. Perfect built, gosh!! I want touch every inch of it. " anito ng may halong paghanga at pag nanasa habang dinedescribe ito.

"In your dreams paula" basag ng isang kasama nito.

Napangiwi ako, ano ba to nananaginip ng gising? Lakas ng tama neto! Lasing na nga yata. Paula pala pangalan nya. May ganun bang tao? Perfect perfect pinagsasabi neto! P*kp*k mo! Walang ganon!!

My Palingkera Playgirl Hook My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon