Nakahigang nagmumumok si aby sa kama. Nagtatampo sya kay austin, ni hindi man lang ito nag paalam sa kanya.
Nakakainis! Nakakainis ka! Kapag dumating ka talagang makakatikim ka sakin! Hindi ka man lang nagpaalam! Ano yon! Pagtapos mong pagsamantalahan ang kahinaan ko, aalis ka ng hindi nagpapa alam! Aba! Aba! Napagaling mo naman talaga! Hindi ka na makakaulit sakin! Tandaan mo yan!
"Tandaan mo yan!" Sigaw nya sa litrato nitong nakapatong sa side table. Dinuro duro nya iyon sa sobrang inis nya.
"You know what! Hindi naman yan lalaban sayo."
"Ay palaka!" Gulat na turan nya ng biglang sumulpot si Grieg.
"Bakit ka ba nang gugulat!" Aniya tsaka binalik ang litrato ni austin sa dati nitong pinaglalagyan.
"Tss, hindi kita ginugulat, magugulatin ka lang talaga." Anito.
"Hmp! Ano bang ginagawa mo dito?" Mataray nyang saad.
"Your Highness, your food is ready, kumain na po kayo."
"Letse!"
"Tara na sa baba." Natatawang turan ni Grieg.
Bwisit! Anong akala nya sakin reyna! Pero pwede din hihi, mukha naman akong reyna ah! At isa talaga akong reyna! Nanalo kaya ako sa amin bilang "reyna de palengke" hihihi kaasar! Palengke pa rin! Tch.
Tumayo sya at lumabas ng silid. Pababa sya ng hagdan ng may narinig syang naguusap. Dahil isa syang dakilang chismosa. Bumaba sya para alamin kung sino ang mga yun.
Her eyes widened when she saw who were talking. Hindi sya nakagalaw sa kinatatayuan nya lalo na nang dumapo ang mga mata nito sa kanya. Nagtahip ang dibdib nya ng lapitan pa sya nito.
"Andy?" Anito sa kanya.
"Ma...ma....ma'am, goo...d m...or..ning..." Nauutal nyang turan dito.
"What are you doing here?" Pag uusisa nito sa kanya.
"Ahm..ahh.. Kasi.. Ano..hmm" aniya, naging malikot ang mga daliri at mata nya nang walang maibigay na sagot dito.
"And why are you wearing my sons shirt?"
Lalo syang kinabahan sa tanong nito. Magisip ka aby! Magisip ka! Wag kang tumunga nga dyan! Alam nyang boyfriend mo si carl! Kaya magtataka talaga kung anong ginagawa mo dito at bakit nga naman soot mo ang damit ng anak nya! Magisip ka ng paraan! Sigaw ng utak nya.
"Ahh. Tita kasama ko po sya." Sabad ni greig sa usapan.
"Kasama mo sya?" Nakakunot noong turan nito kay Grieg.
Alam ni Grieg na hindi ito maniniwala sa kanya. Naramdaman nyang walang maisagot si aby dito kaya sya na ang sumagot. Hindi nya alam na pupunta ang ina ni austin, kung alam nya lang edi sana kinulong nya yun sa kwarto para hindi ito makita. Tinawagan nya si austin agad agad para ibalita dito ang malaki nilang problema.
BINABASA MO ANG
My Palingkera Playgirl Hook My Heart (Completed)
Romance(Rated) SPG TLKSHD Austin bravery Sandoval isa sa mga magkakaibigang Charles Vaughn rogue, Thomas Fritson at Grieg frauts. ang pinaka Playboy, chick boy , babaero ng grupo. anong mangyayari sa kanya kung makatagpo sya ng katapat nyang play girl...