CHAPTER 42 HE'S LOST

4.8K 132 3
                                    

Dumating sa pinangyarihan ng insedente sina Tristan at mina.

"Aby! Honey! Are you okay?" Tanong ni Tristan dito nang makalapit.

"Aby anak! Sinaktan ka ba nya?" Tanong ni mina sa anak.

"Okay lang po ako. Nadapa lang ako kanina pero ayos lang ako. Wag na kayong mag alala ligtas na ako." Aniya.

"Diyos ko maraming salamat ligtas ka na! Nagaalala ako ng husto sayo anak."

Masaya si aby at ang pamilya nya na ligtas sya pero malungkot dahil niligatas nga sya ni Austin pero umalis naman ito agad ng hindi sya kinausap. May pakiramdam talaga syang iniwasan sya nito.

"Ate?" Si Elisa na lumabas mula sa sasakyan.

"Anong ginagawa mo dito!" Asik ni mina sa kapatid.

"Nay! Sya nagligtas sakin! Sila ni Austin! Tsaka teka!? Nagkakilala na kayo!?"

"Sya lang naman ang nawawala kong kapatid anak! Sya ang sumira ng buhay ko!"

"Tot....too? Sya si tita Elisa? Yung inampon ng lolo at lola na naglayas?"

"Sya nga! Ang walang kwentang babaing yan! At anak! Hindi ko na kapatid ang babaing yan!" Aski nito.

"Nay? Bakit ba galit na galit kayo? Diba dapat matuwa kayo kasi nakita nyo na sya."

"Matuwa!? Saan ako matutuwa anak!? Sa pagpapagahasa nya sakin sa ama mo! Sa pagsira nya sa pagsasama namin ni Darwin!? Saan don anak!? Saan don ako matutuwa sa kanya!?"

Naka awang ang labi ni aby na hindi makapaniwala sa sinabi ng kanyang ina. Kaya ba hindi nito masabi ang tungkol sa tatay nya dahil anak sya ng taong bumaboy sa nanay nya. Kaya ba hindi niyo sinasagot ang mga tanong nya dahil sa matinding pinagdaanan nito dati?

"Wala naman akong ginawa e!" Ani mina na humahagulgol ng iyak. "Tinuring kitang totoong kapatid Elisa! Bakit mo ginawa sakin ang lahat ng yon!? Bakit!?" Aniya dito.

"Dahil nilamon ako ng inggit! Patawarin mo ako ate, sobrang naiinggit ako sayo noon. Palaging ikaw na lang ang pinapansin nila tatay at nanay, palaging ikaw ang magaling palibhasa ampon ako kaya ikaw lang mahal! At ako? Wala!! pinakakain at binihisan lang ako pero hindi nyo ko minahal!"

"Hindi totoo yan!"

"Totoo yon ate! Pati ang lalaking mahal ko hindi ako gusto dahil ikaw ang gusto nya! Ikaw ang mahal ni darwin hindi ako!"

Sunod sunod ang patak ng luha sa mga mata ni aby na nakikinig sa magulang at tita nya.

"Kaya pinagahasa mo ako! At ipalabas kay darwin na may ibang lalaki ako! Para sirain ang relasyon namin! Congrats! Nagtagumpay ka!"

"Hindi ko ginawa yun! Wala akong ginawang ganun! Wala ate maniwala ka! Lumayas lang ako! Wala akong ginawang ganun. Sinabi kong may iba kang lalaki! Pero hindi ko magagawang ipagahasa ka ate! Maniwala ka!"

"Sinungaling!"

"Nagsasabi ako ng totoo ate! Please listen to me, naglayas ako kasi feeling ko wala ni isa sa inyo ang magmamahal sa akin. Namuhay ako mag isa nagtrabaho ako sa club at doon ko nakilala ang ama ni austin. Nabuntis ako ate. Kaya hindi na ko nakabalik. Sa mga panahong lumipas. Hinahanap ko pa rin ang pagmamahal nyo! Ni darwin! Kaya pati sariling pamilya ko nasaktan ko! Ate hindi ko kayang gawin sayo ang sinasabi mo." Umiiyak nitong paliwanag.

Ngayon nagkaka alaman na sila, naguluhan si mina. Kung hindi ang kapatid nya ang nagpagahasa sa kanya sino?

"Wag mong sabihing hindi ka namin minahal Elisa! Namatay ang nanay at tatay sa sobrang pag aalala sayo at kakahanap sayo! Namatay si tatay sa daan habang hinahanap ka! Nagkasakit si nanay dahil sa sobrang lungkot na umalis ka!"

My Palingkera Playgirl Hook My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon