Austin cant sleep, he's thingking about what happen between him and aby. It's a big mistake to do that thing to aby. Oo hindi nya nga alam kung ano at kung sino si aby. But his heart shouting aby's name!
All he knows that aby is Andrew's girlfriend, and to take care aby for Andrew, not to take aby for him.
Ayaw nyang maging mang aagaw! Oo nagiging ganun sya minsan kapag may nakakasiping syang pagmamay ari na ng iba. Pero hindi nya na kasalanan na bumigay ito sa kanya. Pero diba parang ganun din ang nangyayari kay aby?
Hindi bat may boyfriend ito at bumigay din ito sa kanya? Ayaw nyang isipin na isa sa mga babaing ganun si aby! No malaking ekis!
Aby is different like what Andrew said. At ngayon nya lang yun nakikita. Iba nga si aby, he wanted to know aby well but how? E halatang umiiwas ito sa kanya kanina ng umalis ito. Edi mas lalo pa sa mga susunod na araw. Alam nyang iiwasan lang din sya nito.
Hindi rin makatulog si aby. Simula ng umuwi sya galing sa condo ni austin, nakatulala lang sya habang nakahiga.
Paulit ulit na nag rereplay sa utak nya ang nangyari sa kanila ni austin. Napahawak sya sya sa labi nyang hinalikan nito. Hindi nya mapigilan na mapakagat doon.
Tama ba ang ginawa nya? Tama ba na pumayag syang magpahalik dito o sabihin na nating mas malala pa doon. Muntik na nyang maibigay dito ang kinaiingat ingatan nyang puri na nag iisang bagay lang na kaya nyang ipagmalaki.
Kahit naman palingkere, at maingay sya. May konting hiya pa naman syang natitira sa sarili nya. At kahit papano ay babae pa rin sya na may kailangang ingatan.
Ano ka ba? E di ba nga pangarap mong mapang asawa si austin? Bat ngayon nagiinarte ka pa dyan! Dapat nga tinuloy nyo na e para wala na syang takas kung di pakasalan ka! Boba!! Si utak.
Ano! Hoy! Gumising ka nga! Hindi nga sya gusto nun! Kailangan mahalin nya muna si aby bago ibigay ni aby ang perlas! Si puso.
Bakit natutunan naman ang pagmamahal! Malay mo matutunan nya rin mahalin si aby! Si utak
E pano kung hindi! E babaero kaya yun!
Oo nga noh! May point ka dyan puso!
Tumayo si aby at napasabunot sa sarili. Ang gulo talaga ng utak at puso nya.
Mga letsugas kayo patulugin nyo na si aby! Maawa kayo sakin!! Si mata
"Aahhhhrrrggg!!!"
"Anak okay ka lang ba? Hindi ka ba makatulog?"
"Opo nay"
"Ano ba kasing iniisip mo?"
"Si puso at utak nay nagtatalo na naman"
"Hmm anong bang sabi ni utak?"
"Na natututunan naman daw pong magmahal,"
"E si puso?"
"Na paano kung hindi nya nagawang mahalin ako?"
"Tungkol ba to kay austin?"
"Opo"
Huminga ng malalim ang nanay nya tsaka sya nito niyakap at hinaplos ang likod ng ulo nya.
"Alam mo anak, kailangan magkasundo ni puso at utak, wag na wag kang bibigay hanggat hindi sila nagtutugma. Hanggat nagtatalo sila sa parehong nararamdaman nila. Hindi ka magiging masaya kung isa lang sa kanila ang susundin mo. Kung mahal mo naman sya e, dapat malaman nya yun. E ano kung hindi ka nya mahal. Atleast nasabi mo sa kanya na mahal mo sya. Tsaka mo gamitin si utak para magisip kung sakaling masaktan ka. Pero alam mo kung anong mas makakatulong?"
BINABASA MO ANG
My Palingkera Playgirl Hook My Heart (Completed)
Romance(Rated) SPG TLKSHD Austin bravery Sandoval isa sa mga magkakaibigang Charles Vaughn rogue, Thomas Fritson at Grieg frauts. ang pinaka Playboy, chick boy , babaero ng grupo. anong mangyayari sa kanya kung makatagpo sya ng katapat nyang play girl...