CHAPTER 11 SURPRISE

5.9K 160 5
                                    

Nagpapahinga si aby nang tawagin sya ng nanay nya.

"Aby anak may naghahanap sayo"

Bumangon sya sa pagkakahiga, may naghahanap sakin? Sino naman kaya? Wala naman akong alam na inutangan ko. Wala naman dyan si mariz o kahit si ivan? Sino naman kaya yun?

"Kaysa nagtataka ka dyan at iniisip kung sinong naghahanap sayo! Bat di ka tumayo st lumabas ng malaman mo!"

"Ayy grabe ka na talaga sakin nay!"

"Labas!"

"Eto na lalabas na!"

Lumabas ako sa kwarto namin pero wala naman akong nakitang ibang tao bukod sa nanay ko at mga kapatid ko. Sa liit ng bahay namin imposibleng hindi mo makita kung sinong tao.

"Gaga sa labas! Hindi dito sa loob!"

"Sorry na! Akala ko pinapasok nyo na e! Ang inet mo nay ah! Nagme menopause ka na noh!"

"Ewan ko sayo! Labas!"

Ang hard talaga sakin ni nanay! Pero dahil masunurin ako lumabas nga ako.

"Ngek! Wala naman nay e niloloko mo lang ako eh!"

"Hintay hintay kasi! Wag exited!"

Hintay? Sino naman ang hihintayin ko? Hanep ah ako ang hinahanap pero ako ang maghihintay! Saklap mo talaga sakin layf!!

Teka nga! Ang aga pa ah! Nasan ang mga chismosa kong kapit bahay? Yung mga tambay? Yung mga maiingay? Wer na sila?

"Nay ano bang meron? Nasan ang mga kapitbahay natin? Nakakapag taka ang aga pa e. Ang linis ng kalsada."

Pero hindi nagsalita si nanay na nasa likuran ko. Ang weird naman nila ngayon.

Maya maya pa ay may lumapit kay aby, isa sa mga kapitbahay nyang mandurugas.

"Para sayo aby" anito at may inabot na puting rosas

"Nay wag mong sabihin na itong mang durugas na to naghahanap sakin!? Tsaka ano to! Kanino nya nakuha yung pambiling rosas na to! Baka kung san nya to ninakaw."

"Tumahimik ka nga dyan muna!"

Sumunod ang mga kapit bahay nyang mga chismosa. Isa isa itong lumapit sa kanya at nag abot ng rosas.

Mga naka ayos din itong nakahelerang nakaharap sa kanya.

Ang mga batang pakalat kalat sa kalsada nila ng mga walang damit at tsinelas. Aba! Mga nakaporma ngayon at nakasapatos, at bago pa ang mga yun. Naka ayos ang mga bata sa harapan nya na may hawak na papel na walang sulat.

"Nay alam ko magpapasko na! Mangangaroling ba sila?"

"Gaga!"

Nagsimulang umawit ang mga bata. Sabay sabay ang mga ito na animoy mga choir, at ang gagaling nila.

Matapos nilang kumanta. Isa isa nitong binaliktad ang papel na hawak nila.

"I" basa nya.

"M"

"S"

"O"

"R"

"R"

"Y"

"Im sorry?"

Maya maya pa ay lumabas si austin. Nanlaki ang mata nya! Ito ba ang may pakana ng lahat ng to!? Pero bakit! Bakit naman nya to gagawin.

Lumapit ito sa kanya na may dalang isang bouquet ng red roses.

"Im so sorry aby, can you give me a chance? I promise i wont do that again without your permission"

My Palingkera Playgirl Hook My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon