"Happy birthday to you... Happy birthday to you... Happy birthday... Happy birthday...." Kanta ng mga batang imbitado sa kaarawan ng anak ni aby.
Tatlong taong na ito ngayon. Matatas na magsalita kahit tatlong taong gulang pa lang.
"Happy birthday to you......"
"Blow the candle!!" Sigaw nila.
Hinipan ng maliit na bibig nito ang kandilang nakatirik sa mataas nyang cake.
"Yehey!! Happy birthday baby." Ani aby sa anak.
"Salamat." Anito.
"Happy birthday princess!" Bati naman ni Tristan dito at pinakita ang malaking regalo nito na nasa likuran nya.
"Woah!! What's that!" Anang batang maliit na akala mo'y matanda magsalita.
"Open it!" Masaya at nanabik na turan ni Tristan.
"Wow!" Ani Ashley ng makita ang laman nito. Isa yong life size kiddy house na yari sa plastic materials.
"Parang sobra na naman yata yan Tristan." Bulong ni aby kay Tristan na may maluwag na ngiti, dahil nagustuhan ni ashley ang regalo nya para dito.
"Honey, aby is my daughter too, and i love to give everything to her."
"Baka ma spoiled naman sya sayo."
"Okay lang." Simpleng sagot nito na nakangiting nakatingin sa anak ni aby.
Austin, hindi ka pa rin ba magpapakita sa amin? Kahit ngayon lang, nakiki usap ako. Kaarawan ng anak mo ngayon. Sana naman mag pakita ka, kahit hindi na sa akin. Kahit kay Ashley na lang, magiging masaya na ako dun. Aniya sa isip habang nakatitig sa anak na masayang masaya dahil sa mga natatanggap nitong regalo.
Natakot ang lahat ng biglang lumakas ang hangin at narinig ang kakaibang ingay mula sa itaas. Lahat ng bisita napa angat ng tingin sa langit.
Dinaluhan ni aby ang anak sa takot na naramdan nya. Dalawang chopper ang mababang nasa himpapawid. Nagpa ikot ikot ito sa venue ng pinag dadausan ng kaarawan ni Ashley.
Ilang sandali lang ang mga takot sa mukha ng mga tao ay napalitan ng tuwa at ngiti sa mga mukha nila. Dahil isa isang nagbaksakan ang kulay pink na lobo at pink din rose petals sa mismong venue.
Patuloy ang pagbagsak mula sa kalangitan ng mga yon habang pa ikot ikot ang dalawang chopper. Kinabahan si aby, pakiramdam nya si isa sa mga sakay ng chopper na yun ay nandoon ang taong matagal na nyang hindi nakikita at gustong gustong makita.
Maya maya pa ay naglalad ng isang napakalaking tarpaulin ang isang chopper, ang nakalagay dito.
"Happy birth day to my one and only princess" basa ni aby dito. Lalong sinakop ng matiding pagtibok ang puso nya. Alam nyang si austin ang may pakana non. No doubt.
Ang isang chopper naman ay nagladlad din ng isa pang tarpaulin ang nakalagay naman ay.
"I miss you so much princess, tatay loves you so much." Basa ulit niya dito.
Tama na ang hinala. Alam nya talagang nandoon si Austin sa isa sa mga chopper na yun.
"Narito ang anak ko." Ani Elisa na lumapit kay aby. Gaya nya nasisiguro din nito na nandoon ang anak nyang si Austin na matagal ng hindi umuuwi at nagpapakita sa kanila ng asawa nya.
Hinanap nila ito, pero tila ayaw talaga nitong magpahanap sa kanila. Sa twing malapit na nilang makita ito at matagpuan, palaging may aberyang nangyayari o di kaya wala na ito kapag pinuntahan nila.
Nasabik si aby at si Elisa pati na rin si Ashley na sa edad na tatlong taon marunong ng magbasa kaya nabasa nito ang nakalagay sa tarp.
May lubid na nakapormang hagdan ang lumaladlad sa chopper. Isang lalaking naka itim ang maingat na bumaba doon.
BINABASA MO ANG
My Palingkera Playgirl Hook My Heart (Completed)
Romance(Rated) SPG TLKSHD Austin bravery Sandoval isa sa mga magkakaibigang Charles Vaughn rogue, Thomas Fritson at Grieg frauts. ang pinaka Playboy, chick boy , babaero ng grupo. anong mangyayari sa kanya kung makatagpo sya ng katapat nyang play girl...