Hindi alam ni aby kung anong mararamdaman nya. Lungkot ba o saya, mahirap para sa kanya ang malaman ang balitang iyon. Pero sa kabila ng lahat. Nandyan ang pamilya nya para suportahan sya.
Makalipas ang isang linggo ay nakauwi din sya ng bahay. Hindi nya alam kung ano ba ang dapat nyang isipin.
"Anak?" Tawag sa kanya ng ina, pumasok ito sa silid kung saan sya nagpapahinga. Naupo ito sa tabi nya at hinimas ang ulo nya na animoy naging bata sya ulit.
"Patawarin mo ako anak. Hindi ko nagawa ang dapat bilang isang mabuting ina sayo. Sana ginabayan pa kita ng husto. Sana naging mas mahigpit ako sayo. Pero eto na e. Nandito na tayo. Nandito na tayo sa point na kung may aalis, edi aalis. Kung may dadating ay hihintayin ko na lang din ang pag alis----
"Nay!!" Putol nya dito.
"Pinapatawa lang kita! Eto naman! Wag ka kasing masyadong magisip gagaling ka anak! Magtiwala ka kay lord at sa sarili mo. Nandito lang kami lagi sa tabi mo."
"Salamat nay."
"Tinawagan ko si mariz dadalaw sya dito sa susunod na linggo. Namiss ka na ng kaibigan mo anak. Si austin ba? Kailangan ny---
"Nay, labas na sya dito. Ayoko nang pagusapan sya. Magpapahinga na po ako."
Simula ng umalis ako kinalimutan ko na lahat ng koneksyon ko sa kanya. Ayoko ng marinig ang pangalan nya! Niloko nya ako! Hindi ko sya mapapatawad! Minahal ko sya ng sobra pero sinaktan nya lang ako! Tama na! Ayoko na! Sarili ko ang dapat unahin ko ngayon! Kailangan kong mabuhay.
Malalim ang hiningang pinakawalan ni mina bago tuluyang lumabas ng silid. Patungo sya ng kusina ng may marinig na kumakatok.
Nangunot ang noo nya, wala silang inaasahang bisita ngayon. Sa susunod na linggo pa ang dating nila mariz. Nagtungo sya sa pintuan upang buksan iyon at alamin kung sino anf estrangherong kumakatok sa pintuan nila.
"Magandang umaga ho." Anito sa kanya ng pagbukasan nya ng pinto.
Isang matangkad na lalaki, gwapo at maputi medyo singkit ang mga mata nito ang ang katawan ay halatang alagang alaga base sa tindig nito. Malaki ang ngiti nito, maputi at pantay pantay ang ngipin. Halatang mayaman ang lalaking nasa harapan nya ngayon.
"Anong kailangan mo? At sino ka?" Aniya dito
"Ahh. Ako nga ho pala si Tristan. Sa kabilang bayan pa ho ako nakatira. May nakapagsabi ho kasi sa akin na ibinebenta nyo ang alagang baboy nyo. May handaan ho kasi sa amin sa makalawa." Anito ng may matamis ang ngiti.
"Ganun ba? Pumasok ka muna sa loob at nang mapagusapan natin yan."
"Sige ho, maraming salamat ho aling?"
"Aling mina. Tara pasok."
Tumuloy nga ito sa loob ng bahay nila at pinagusapan ang ilang detalye tungkol sa pagbenta at pagbili ng baboy.
Sa di kalayuan may nakamasid sa bahay nila aby. Hindi nila alam na may isang linggo na itong nagmamanman sa kanila. Kinuha nito ang telepono mula sa bulsa at may tinawagan.
"Hello ma'am"
"Give a good news Rinaldo!."
"I found her."
"Really!? Where she is?"
"Here in bohol ma'am."
"Give me all the details you know and send it on my email. Copy?"
"Yes ma'am."
Tinago nito ang telepono sa bulsa tsaka umalis sa pinagtataguan nya.
"Alam mo ang gwapo gwapo mo na ang bait mo pa hahaha." Dinig ni aby mula sa ina nya.
BINABASA MO ANG
My Palingkera Playgirl Hook My Heart (Completed)
Romance(Rated) SPG TLKSHD Austin bravery Sandoval isa sa mga magkakaibigang Charles Vaughn rogue, Thomas Fritson at Grieg frauts. ang pinaka Playboy, chick boy , babaero ng grupo. anong mangyayari sa kanya kung makatagpo sya ng katapat nyang play girl...