CHAPTER 5 KUYA

7.8K 226 13
                                    

Naiingayan na si Andrew sa dalawa, simula ng dumating si Austin sa bahay niya hanggang ngayon hindi sila tumitigil sa pagtatalo.

"Aby? Hindi ka ba hinahanap sa inyo?" Tanong nya dito.

Para namang na alarma si aby sa tanong na yun ni Andrew. Nawala sa isip nya na baka hinahanap na sya ng nanay at mga kapatid nya.

Naku! Yari ako neto kay nanay! Bat ba kasi nawala sa isip ko.

Binuksan nya ang cellphone nya na nakapatay pala. Dinial nya ang numero ng kaibigang si mariz.

"Peks! Hala ka! Nasaan ka? Kanina pa pabalik balik si mader dito samin! Hala yari ka!"

Nailayo nya ang cellphone nya sa tainga. Kahit kailan talaga kausap si mariz palaging nakasigaw.

"Alam ko, alam ko! Pwede ko ba syang makausap?"

"Sige sandali lang puntahan ko! Gaga ka! Naku! Makukurot ka sa singit ng singit mo nyan ng nanay mo!"

"Oo na! Pakibilisan lang ah!"

Nakatingin lang sa kanya si Austin at Andrew na halatang nakikinig sa kanya.

"Aling mina! Si aby ho oh nasa telepono!"

Dinig ni aby sa kabilang linya. Kinakabahan sya, ngayon lang din kasi sya hindi umuwi sa kanila.

"Aby! Nyeata ka talaga! Papatayin mo ba ko sa pag aalala sayong bata ka! Nasan ka!? Wag mong sabihing isinuko mo na perlas!?"

"Nay! Ano ba! Hindi pa! Tsaka relax nay, nasa maayos na lugar ako, nalasing lang ako ng husto kagabi kaya di ako nakauwi"

"Saang lugar yan ha! Kasama mo na ba ang pangarap mo!?"

"Ay nako nay! Oo kasama ko nga ngayon!" Matalim ang tingin nya kay Austin habang kausap ang nanay nya sa telepono. "Ang napaka yabang! Walang hiya! Walang modo! Akala mo kung sinong gwapo! Kung maka asta akala mo sya ang diyos ng mga gwapo! E ang baho naman ng hininga!" Aniya habang kay austin nakatingin na animoy ito ang kausap. "Tsaka nay muka syang palaka!"

Nagngingit sa galit si austin, alam nyang sya ang tinutukoy ni aby sa kausap nito. Naikuyom niya ang palad sa sobrang pagpipigil ng galit.

"Teka anak! Hindi naman ganyan ang sinabi mo sakin kahapon eh"

"Binabawi ko na po yun nay! Isa syang malaking pigsa sa pwet kakairita!"

"Ewan ko sayo! Umuwi ka na nga tanghali na, hindi na tayo makakapag tinda, basta umuwi ka na"

"Opo nay"

Pinatay nya ang tawag.

"Sino ang mayabang?, walang hiya, walang modo, mabaho hininga? At mukang palaka!" Asik ni austin.

Tinaasan nya ito ng kilay at pumamewang.

"Excuse me! Bakit? Tinamaan ka ba? Well hindi ko na problema yun! Kasalanan ko bang lumingon ka ng sabihin ko ang mga yun. Wag ka kasing maging masyadong honest! Napaghahalataan ka!" Mataray nyang sabi.

"Ahhhrrrgg!!!" Sigaw nito tsaka sinabunutan ang sarili. Mababaliw na talaga sya kay aby! Nawawalan sya ng sasabihin kapag ito na ang nagsalita.

"Hey hey! Tumigil na kayo!" Awat ni Andrew

"Aby let's go ihahatid na kita sa inyo"

"Ha! Naku wag na! Kaya ko mag isa! Hehe okay lang ako!"

Ayaw niyang magpahatid kay Andrew, nahihiya siyang makita nito kung anong klaseng lugar ang tinitirhan niya. Baka mandiri pa ito sa kaniya.

"No! I insist! Let's go!"

My Palingkera Playgirl Hook My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon