CHAPTER 40 THE REVELATIONS 2

5K 136 3
                                    

Araw ng check ni baby Ashley ngayon nasa hospital sila, kasama ang nanay nya.

"Nay mag ccr lang po ako. Paki hawak muna si ash, di ko nà talaga kayang pigilan e."

"Sige bilisan mo ah. Tayo na susunod."

"Opo"

Kahit sila Tristan ang may ari mg ospital ay hindi nya hinayaan na bigyan sila ng special treatment nito kahit sinabi nito sa kanya na hindi na nila kailangang pumila. Ayaw nyang abusuhin ang kabaitan nito. Pipila lang naman sila maghihintay saglit hindi naman mahirap yun.

Nasa loob na sya ng cubicle sa cr ng may narinig syang pumasok. Nang matapos na sya ay lumabas sya at dumretsyo sa sink para maghugas ng kamay.

Nag angat tingin sya sa salamin, natakot sya ng makita ang dalawang lalaking naka pang nurse na uniform. Hindi yon ang cr ng mga lalaki kaya bakit iyon nandoon.

Kinakabahan sya feeling nya may masamang mangyayari. Lalo na ng tabihan sya ng mga ito. Nagmadali syang maghugas para lisanin ang lugar na yon. Pero hindi pa man sya nakakahakbang ay tinakpan na ng isang lalaki ang bibig nya gamit ang panyo.

Hindi sya makahinga dahil doon. Kaya pinilit nyang sumagap ng hangin. Ngunit sa pag hinga nyang yun, ang maging dahilan para mawalan sya ng malay.

Inilabas sya ng mga ito sa cr at sinakay sa isang wheel chair.

"Ang tagal naman ng nanay mo ash." Ani aling mina.

"Nay, nasaan si aby? Pasok na ho kayo sa loob."

"Nag cr lang kaso ang tagal e. Kanina pa sya doon."

"Ganun ba? Mabuti pa nay akin na si abby liit, puntahan nyo si aby sa cr, baka maraming tao dun kaya natagalan." Ani Tristan dito.

"Mabuti pa nga."

Nagtungo si aling mina kung saang direksyon nag punta si aby, ngunit pagpasok nya ng cr  wala doon ang anak nya at wala rin tao dun. Hindi nya alam bakit bigla syang kinabahan. Lumabas sya at nag palinga linga.

Nahagip ng mga mata nya si aby na nakasakay sa wheelchair at walang malay, tulak tulak ng isang nurse at may nakasunod na isa pang nurse.

Nag alala sya. Sinumpong na naman ba si aby ng sakit nito? Yun ang nasa isip nya kaya sinundan nya ito lakad takbo ang ginawa nya para maabutan ang mga ito. Pero naramdaman ata ng mga nusre na sinusundan  nya ang mga ito.

Naguguluhang nag aalala sya at kinabahan ng bumilis ang pagtulak nito kay aby palabas ng ospital. Nilingon pa sya ng isang nurse, kahit naka face mask yun ay alam nyang ngumiti ito ng nakakatakot sa kanya.

"Anak! Aby!" Sigaw nya

Hindi na nya napigilang tawagin ito sa sobrang takot. Hinabol nya ito. Habang sumisigaw.

"Tulong! Yung anak ko kinikidnap!" Sigaw nya.

Nakita nyang sinakay sa puting van ang anak nya at mabilis na pinaharurot ito.

"Diyos ko yung anak ko!" Umiiyak nyang turan. .

"Nay! Anong nangyayari!?" Si Tristan na humahangos na nilapitan sya.

"Tristan si aby! Dinukot sya! Yung mga lalaking naka uniporme ng pang nars!!"

"What!" Sigaw nito.

Tinawag nya ang security. "Check the cctv's now!" Aniya sa mga ito.

"Nay calm down. Hahanapin ko si aby. Hindi ako papayag na may mangyari sa kanya. Sigurado akong si Austin ang may pakana nito! Papatayin ko ang lalaking yun!" Aniya.

My Palingkera Playgirl Hook My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon