CHAPTER 8 MAGNANAKAW

6.8K 208 8
                                    



       NWalang nagawa si Austin kung di tumayo at umalis papunta kela aby. Naiinis sya kay Andrew na kung makautos sa kanya e akala mo kung sino. Sya naman si tanga sumunod din. Kunyaring ayaw pero pupuntahan din pala.

"Shit!" Aniya habang nagmamneho, wala pa syang tulog. Or should i say hindi pa sya natutulog dahil kauuwi nya lang ng tumawag si Andrew. Galing syang bar para mag celebrate ng pagiging mag on ni Aby at Andrew. Celebrate ba talaga o dahil broken hearted sya?

Bitter ang kinalabasan nya. Badtrip na badtrip kaya sya hanggang sa makauwi sya tapos tatawagan lang sya ni Andrew at uutusan. At ang mas kinaiinis nya nakalimuan nyang itanong dito kung saan nakatira si Aby.

Dinampot nya ang cellphone para tawagan si Vaughn at itanong kung alam ba nito kung saan nakatira si aby.

"Hey man may itatan--

"**8* **** st. Tondo manila" anito sa kabilang linya at mabilis na binaba ang tawag.

Nagtataka si austin na alam agad nito kung anong itatanong nya. Curious man sya sa sinabi ni Vaughn e mas curious sya sa sinabi nitong address ni aby. Hindi nya alam kung nabingi lang ba sya. Sa tondo? Tama ba ang dinig nya?

Sa pagtatanong tanong nya nakarating sa sa isang masikip na iskenita. Na maaga pa lang e ang dami na agad tambay.

"**8*" basa nya sa isang pintong kahoy na hinintuan nya.

"Ito na siguro yun" aniya

Hindi sya makapaniwala na si Aby ang dyosang nakita nya ilang linggo nang nakakaraan, ang babaing humalik sa kanya na nakaka adik, ang babaing nakapag pa tibok ng puso nya sa unang pagkakataon. Ang babaing gustong gusto nyang makita, mahalikan at higit sa lahat ang maramdaman ang katawan nito sa katawan nya.

What am i thinking! Fuck! Aby is Andrew's girlfriend! Don't be stupid Austin wake up! Aby is never gonna be yours!..

Kumatok si Austin sa pintuang kahoy.

Ang sarap ng tulog ni aby, nanaginip pa nga sya na masayang magkasama sila ni Austin sa isang lugar na sila lamang dalawa. Nang may kumatok.

"Panira naman oh!"

Nang tignan nya ang maliit na orasan na nakasabit sa manipis nilang ding ding na kahoy.

"Anak nang! Alas tres trenta pa lang ah! Naku naman, kung sino ka mang letseka! panira ka ng tulog! Masasakapak ko talaga! Letsugas!!"

Tumayo sya at nagpunta sa pintuan para tignan kung sino man ang taong panira ng masarap nyang tulog.

Bunungad sa kanya ang isang matipunong lalaki na may taglay na kagwapuhan na hindi mo maipapantay kanino man. Ang lalaking laman mismo ng paniginip nya.

"Kyaaaahhhh!!!!"

Sigaw nya at mabilis na sinara ang pinto, sumandal sya doon.

"Lord! Please kung nanaginip pa ko paki gising naman na ko oh! Hindi ko kaya to!"

"Aby!?" Sigaw ni Austin sa labas na sinabayan ng pagkatok

"Diyos ko lord! Panaginip pa ba ito!!"

"Anak! Anong nangyari!? May nakapasok bang magnanakaw!?" Natarantang tanong ng nanay nya na may hawak pang kawali.

"Nay! Tulungan mo ko!"

"Tabi dyan anak! Ipagtatangol kita sa hinayupak na magnanakaw na yan!"

"Nay! Wag!"

"Anong wag! Dapat sa mga magnanakaw tinuturuan ng leksyon! Dudurugin ko mga daliri nyan!"

Hinila sya ni aling mina paalis sa pintong sinasandalan nya at mabilis na binuksan yon at hinampas ng kawaling dala nito.

My Palingkera Playgirl Hook My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon