CHAPTER 3 QUEEN COBRA

7.4K 225 7
                                    



                Gabi na naman, oras na para mag transform si aby. From tindera ng isda to syosalistang palaka!

Kung tutuusin kahit anong isuot ni aby ay maganda sya, natural ang ganda nya kahit walang make up. Kahit butas butas ang damit na isuot nya hindi nu'n nabawasan ang ganda nya, sa iba nga ay nagiging attractive pa ito, wag nga lang maamoy ang malansang isda sa katawan nya.

She's desperate to have a man who can brought her up. Hindi lang para iahon sila sa kahirapan. She also wanted a man who will loved her for the rest of her life. Yung tatanggapin siya ano man ang estado niya sa buhay. Yung hindi tumitingin sa katayuan ng isang tao. Well, then, goodluck Aby!

Mahigit isang oras siya sa banyo. Ligo kung ligo, kailangan mawala ang amoy ng isda, bawang at sibuyas sa katawan nya.

Lumabas sya ng banyo ng nakatapis lang. Dumiretsyo sya sa nagiisang kwarto nila. Kinuha nya ang damit na susuotin tsaka bumalik sa banyo para doon mag bihis.

Isang crop top na kulay pula ang pang itaas na soot nya at isang hapit na black jeans na pinaresan ng isang sexy boots na may 4incs heels. Saan galing? Edi sa kaibigan nya si Mariz. Dahil sa club ito nagtatrabaho kaya marami itong mga ganung klaseng damit na. Kaya naman pinamanahan sya nito.

Pinatuyo nya ang buhok sa electric fan, pulbos at lipglos lang tama na sa kanya. Hindi sya sanay na mag make up kahit sandamakmak ang binigay sa kanya ni mariz na make up. Hindi naman nya kailangan magpaganda pa dahil walang ka effort effort ang natural na ganda nya. Siguradong malalaglag na naman ang mga panga ng mga lalaking makakasalamuha niya maya maya lang.

Bago umalis, pumasok sya sa silid nila at isa isang hinalikan ang mga kapatid nya sa noo. At isang mahigpit na yakap naman ang sa ina nya na nagising.

"Anak aalis ka na ba?" Anang kaniyang ina na gising pa pala.

"Opo nay." Anas niya.

"Magiingat ka ha. Gusto ko pag uwi mo, dala mo na ang pangarap mo"

"Nay naman! Agad agad!? Pwede bang bigyan mo ako kahit mga isang buwan? Hindi pa nga nya ko nakikilala e."

"Binibiro lang kita, basta mag iingat ka"

"Opo"

Nakarating sya sa dark house bar, kung saan sya laging tumatambay. Paano makapasok? Sumasabay sya sa mga grupong papasok ng bar, nag hindi napapansin ng mga bantay. Kilala na kasi sya doon ng mga ito. Kaya tago! Baka mahuli!

Sa wakas nakapasok din! Kailangan matapos ko ang mission number one,ang makilala ako ni Mr. Abs!

Tsk! Mukhang wala naman sya ngayong gabi, malas ko naman ngayon! Lychee!! Makapaghanap na lang nga muna ng iba! Baka hindi naman talaga siya para sakin. Wag umasa sa isa lang, dapat marami, para maraming pagpipilian. Tama! Tama!

She to the dance floor, she dance like there's no body else there.

"Yeah!! Wooh!"

I didn't know that i was starving till i tasted you.

May lumapit sa kaniya na isang gwapo, matangkad, maputing lalaki, at natitiyak niyang hindi pa ito lasing. Sinasabayan nito ang musika at ganun din ang ginawa niya. Magkaharap sila habang malamyos na nagsasayaw. The the guy grab her hand.

Don't need the butterflies when you give me the whole damn zoo..

My Palingkera Playgirl Hook My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon