CHAPTER 41 SAVE HER

5K 138 7
                                    

Bumalik ng hotel si Elisa. Walang Austin doon. Wala ang anak at ang apo nya doon. Inaasahan nya na yun. Malamang ay galit talaga sa kanya ang anak nya.

She wants to explain to him na hindi sila mag pinsan ni aby. But she knows na hindi ito makikinig sa kanya ngayon.

Inasikaso muna nya ang kalagayan ni aby ngayon na ayon sa mga tauhan nya ay dinala sa isang abandonadong gusali na hindi gaanong dinaadanan ng tao at sasakyan dahil nasa liblib na lugar iyon.

"Focus on her. Wag nyong hayaan na masaktan sya, is that clear?" Aniya sa kausap sa telepono.

"Copy madam."

Binaba nya ang tawag at huminga ng malalim.

Nagising si aby na hirap kumilos, nakatali ang mga paa nya sa upuang iniiupuan at nakatali rin ang kamay sa sa likurang sandalan nito. Habang may tape ang kanyang bibig.

Nasaan ako? Wala akong makita bakit ang dilim? Aniya sa isip.

Tanging liwanag lang galing sa buwan na tumatagos sa bintana ang nagsilbing ilaw nya.  Natatakot sya. Hindi sya sanay sa kakaibang katahimikan at dilim.

Oras ko na ba? Papatayin na ba ako? Bakit hindi nyo muna ako hinayaan na makasama ng matagal ang mga mahal ko! Aniya na  tahimik na umiyak.

"So gising na pala ang prinsesa!" Dinig nyang nagsalita sa dilim.

Puta! May multo pa ata dito! Nay! Tulungan mo ako! Takot ako sa multo!

Narinig nya ang takong ng sapatos nito na papalapit sa kanya. Lalo syang natakot. Sa tulong ng liwanag ng buwan nakita nya ang taong nagsalita.

"Hmmmmmm!" Aniya.

"What? Saying someting honey?" Anito sa kanya. Dahil nakatakip ang bibig nya hindi sya ito masinghalan.

Patay ka saking higad ka pag nakawala ko dito! Kakalbuhin talaga kita! Pati anit mo tatanggalin ko! Walang hiya ka!

Tumawa ito ng mala demonyo. "Kawawa ka naman! Hindi ka makagalaw?"

Tang na mo! Pag ako talaga nakawala dito ikaw ang itatali ko dito! Bruha ka!

"You know what! Kanina pa nangangati yung kamay kong patayin ka. Kaya lang ang tagal mong magising. Gusto ko kasi yung maramdaman mo kung paano unti unting pinapatay. Isn't that good!? Ang saya diba?"

Walang ingat naTinanggal nito ang tape sa bibig ni aby.

"Tang na mo! Magdahan dahan ka! Sisirain mo ba yung mukha ko! Masakit yun ah! "

"That's what i want honey! Yung masaktan ka!"

"Patayin mo na ko kung papatayin mo ako! Ang daldal mo! Daming mong alam!"

"As you wish aby!" Anito sa kanya at lumabas ng silid.

Kung gaano katapang ang sinabi ni aby dito. Halos manginig naman sya sa takot. Ayaw nya pang mamatay. Gusto nya pang mabuhay.

Sa labas ng abandonadong gusali naka kalat ang mga tauhang kinuha ni Elisa, naroon na rin sya sa lugar na yon at kasamang nakamasid sa mga ito.

Sumenyas ang isa sa mga lider ng tauhan na pumasok mula sa bintana kung nasaan si aby.

Nagulat si aby ng may pumasok na lalaking naka itim mula sa bintana. Sa takot nya ay napasigaw sya.

"Kyaaaahhhh!"

Nataranta ang taong yun at mabilis na nagtago sa dilim.

Bumukas ang pinto at iniluwa non si helga.

"Ano bang sinisigaw sigaw mo dyan!"

*pak* sampal nito sa kanya.

"Aray! Nakakadalawa ka na ah! May daga kasi! Letse!"

My Palingkera Playgirl Hook My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon