CHAPTER 34 THE NEW BEGINNING

5K 126 4
                                    

It was a good day to all of them. A Sunny day that makes them all happy. Tag ulan na kasi. Kaya masaya silang sumilay ang napakagandang araw ngayon. Dalawang taon na ang lumipas ng mangyari ang insidenteng yun.

Malungkot pero masaya ang naging takbo ng kani kanilang buhay.

Nagsindi ng kanila si aling mina sa harap ng puntod. Nasa sementeryo sila ngayon kasama ang mga anak nya at si Tristan na naging parang anak na nya rin.

Sa lumipas ng dalawang taon, naging parte na ng pamilya si Tristan sa lahat ng pinagdaanan nila hindi ito nawala sa tabi nila. Ito ang tumulong at nag alaga sa kanila.

Malaki ang utang na loob nya dito. Dahil kahit hindi sila nito kaano ano ay malaki ang malasakit sa kanila.

"Nay mina? Kung buhay sya ano ang gusto mong sabihin sa kanya?"

Nilingon nya si Tristan na nasa likuran nya.

"Manghihingi ako ng tawad sa kanya. Sasabihin ko na mahal na mahal ko sila. Na kailanman hindi sila mawawala sa puso at isip ko. Malaking bahagi ng buhay ko ang naging parte nila. Utang ko sa kanila kung bakit ako nandito ngayon sa mundo. Nay, tay, kung nasaan man kayo ngayon. Sana nakikita nyo ako. Patawarin nyo ako kung hanggang ngayon hindi ko pa nahahanap si Elisa. Ngayong okay na ang lahat. Pinapangako ko na hahanapin ko na sya para sa inyo. Mahal na mahal ko kayo." Aniya sa mga magulang na nakahimlay sa sementeryo.

"Aling mina sino si Elisa?"

"Kapatid ni nanay." Ani aby na nasa tabi nya habang karga ang sanggol na ipinaglaban nyang mabuhay kasama nya.

Isang taong gulang na ito ngayon. Mahirap ang pingdaan nila mag ina. Noon akala nila ay mawawala na si aby sa kanila. Pero lumaban ito. Hindi sya pumayag na mawala rin ang anak nito. Noong araw na manganganak na ito ay yun di  ang araw na inoperahan ito.

Naging delikado ang lagay nila mag ina. 70-30 ang tyansa na mabuhay sila. Pero mahal sila ng panginoon kaya't pinagbigyan solang mabuhay.

Araw araw syang nagpapasalamat sa diyos dahil hindi sila pinabayaan nito. Anim na buwan matapos operahan si aby, ay nakalabas din ito ng ospital. Masaya sila na naging mas mabilis ang pag galing nito.

Pero sa kabilang banda, namana ng anak nyang si Ashley breil yeshiva ang sakit nya. Pero nagpapasalamat pa rin sya at nakita agad ang sakit nito. Hindi kagaya nya na huli na nila nalaman kaya mas nahirapan sila.

Sa ngayon naka monitor ito sa tulong si Tristan.

"May kapatid pala si nay mina?" Ani tristan.

"Oo, ang alam ko ampon nila lolo at lola yun. Nay ikaw na nga ang magwento. Patulugin ko lang si aby liit." Aniya sa nanay nya.

"Si Elisa ay ampon ng mga magulang ko. Dito sya nakita ni nay at tay sa bohol. Lumuwas kami noon ng maynila noon para doon mag kolehiyo. Nagkaron ng problema sa aming magkapatid noong tumira kami doon. Lumayas sya at iniwan kami. Hinanap sya ni tatay. Pero hindi nya ito makita. Hanggang sa nagkasakit si tatay sa sobrang pag aalala kay Elisa. Isang araw habang nasa kalsada si tatay upang hanapin si Elisa nasagasaan sya na syang kinamatay nya. Sobrang nalungkot noon si nanay. Di kalaunan ay nagkasakit din si nanay. Hiniling nya sa akin na hanapin ko si elisa bago ito namatay."

Pero buntis na ako noon kay aby. Dugtong nya sa isip nya.

"Hindi po ba kayo nagalit sa kanya? I mean lumalabas po kasi na sya ang dahilan ng pagkamatay nila. But nay mina. That was just my opinion."

"Hindi"

sagot ko. Pero ang totoo galit pa rin ako sa kanya. Sinira nya ang buhay ko. Ang pagsasama namin ni darwin nasira yon ng dahil sa kanya. Sobrang inggit nya sa akin. Kaya nagawa nya akong ipagahasa sa ama ni aby. Oo at nagkatuluyan nga kami ni darwin at nagkaroon ng tatlong anak. Pero abot abot naman ang hirap na pinagdaanan ko sa kamay nya dahil sa iniwan mong maling kwento sa kanya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kung magkita tayo ulit Elisa. Hindi ko alam kung napatawad na ba talaga kita. Dahil sa galit sa puso ko na hanggang ngayon ay nandito pa rin.

My Palingkera Playgirl Hook My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon