CHAPTER 2 LICK IT

8.5K 268 5
                                    

       Nagaayos ng paninda si aby, maya maya lang ay marami ng mamimili, kaya hinahanda na naman nya ang katawan sa dagsa ng mga mamimili.

Sa araw araw isda ang kaharap nya. Kung hindi naman isda, bawang o sibuyas. Ang malansang isda, ang mabahong bawang at sibuyas. Sawang sawa na sya sa amoy na yun. Ngunit may magagawa ba sya? Yun ang kinabubuhay ng pamilya niya, kaya kahit gaano kabaho ang mga ito ay kaya niyang tiisin para sa pamilya niya.

May pamilya siyang binubuhay, at magisa niya iyong tinataguyod, at dahil siya ang panangay, siya ang inaasahan ng boung pamilya niya.

"Ate bili ka na! Sariwa yan! Mura lang! 120 lang ang kilo!"

Sigaw nya sa mga taong dumadaan sa pwesto nya. Pagod na ang katawan nya, pati boses nya pagod na din kakasigaw.

"Oy suki! Ilang kilo?" Tanong nya ng mapadaan ang isa sa mga suki nya.

"Ay naku magkakarne kami ngayon e. Sa susunod na lang siguro ako bibili"

"Ganun ba suki? Sige ingat ka"

Bumuntong hininga siya at pabagsak na naupo sa plastik na upuan. Pasado alas dose na. Halos hindi nagalaw ang paninda nya. Matumal ang bentahan ngayon ng isda. Hindi na naman sila makakakain.

Napag desisyonan niyang magligpit at umuwi na lang, dahil unti unti na rin nauubos ang tao sa palengke.

"Anak, kamusta nakabenta ka ba?" Bati ng kaniyang ina nang mauwi sa kanilang tahanan.

"Ito lang ho nay" inilahad nya dito ang dalawang daang piso, ang mga isda na hindi nya nabenta ay pinautang nya sa iba. Para kahit papano ay may kikitain pa rin sya kapag nakapagbayad ang mga ito..

"Hay okay lang yan anak, makakaraos din tayo." Anito

"Makakaraos din tayo nay! Nakita ko na sya!" Aniya ng may masiglang boses

"Sino anak?" nangunot ang noo ng kaniyang ina.

"Ang lalaking mapapang asawa ko!" aniya ng taas noo

"Sus! Echusera! Yan din sabi mo nung nakaraang linggo e, dont me aby! Don't me!" anito na sinabayan ng mahinang pagtawa.

"Nay! Totoo na to! Nakita ko na sya kagabi! Sisiguraduhin ko sayo nay na makikila mo sya!"

"Kuh! Ewan ko sayo! Bahala ka! Libre naman yan e" anang kaniyang ina na tinalikuran siya.

"Alin ang libre nay?"

"Ang mangarap!" lingin likod nito.

Iniwan syang naka nga-nga ng nanay nya. Ang nanay ko talaga! Imbes na suportahan ako! Kontrapelo pa. Hmp! Basta nay! Mapapasakin din ang abs nya. Maghintay ka lang.

"Peks!!"

"Mariz!!"

Ang best friend nya na si mariz. Kagaya nya grade six lang din ang tinapos nito. Pero malakas itong kuminta dahil sa club ito nagtatrabaho.

"Peks, kamusta?"

"Eto wala na naman akong benta. Pero dahil nandito ka na, pahiram munag dalawang daan." Aniya dito habang nangisi at nagtaas baba ang kilay.

"Ayy ganon! Kamukha ko na ba yung mga tao sa pera, kada makikita ko nangungutang ka! Kalbuhin kaya kita dyan!" Sabay tingin nito sa ibabang bahagi nya.

"Ano ka ba peks! Matagal ng kalbo yan! Kaya wala ka ng kakalbuhin hahaha"

"Che! Oo na! Sama ka na lang kasi sakin sa club. Para bumango ka naman din"

"Ayoko! No! Not ever!"

"Pa ingles ingles ka pa wala ka ngang makain! O eto 300 yan ah! Dahil natutuwa ako sayo! Sayo na yan! Kumita ako kagabi e!"

My Palingkera Playgirl Hook My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon