CHAPTER 38 HERO

5.2K 132 10
                                    

Nasa garden si aby kasama ang anak na si Ashley na nakasakay sa stroller. Naisip nyang ipasyal ang anak sa park malapit sa mansyon ng mga Lee. Tutal ay wala silang kasama sa mansyon kung di ang mga kasambahay. Wala naman syang mapaglibangan.

Lumabas sila ng gate at naglakad habang tulak tulak ang stroller kung nasaan ang anak nya.

Habang naglalakad isang puting van ang huminto sa gawi nila.

She felt intensely nervousness nang may lumabas doon na dalawang lalaki na nakatakip ang mukha. Akala nya sa pelikula lang nya nakikita ang ganun. Pero hindi nasa totoong buhay sya. Mga naka itim ito at nakabonet din na itim.

Binilisan nya ang lakad. Lakad takbo ang ginawa nya. Pero mas lalo syang kinabahan nang isa pang sasakyan ang huminto.

Nanginginig ang mga kamay nyang binuhat ang anak at tumakbo. Naramdaman nyang huminto sa pagsunod sa kanya ang mga lalaking naka itim kaya lumingon sya sa likuran nya.

Natakpan nya ang bibig ng makitang nakikipag suntukan si Austin sa mga taong sumusunod sa kanya. Hindi nya alam kung lalapitan ba nya ito o tutuloy sa pag takbo.

Natakot sya ng may dalawa pang lalaki ang lumabas mula sa ban at pinagtulingan si Austin. May sariling utak yata ang mga paa dahil lumapit sya sa mga ito habang karga ang anak.

"Tama na please!"

"Aby tumakbo ka na!" Sigaw ni Austin.

"Hindi! Paano ka!"

"Kaya ko to!" Anito.

Punyeta! Bakit ba ang daming sasakyan ang dumadating! Aniya sa isip ng may huminto na namang isa pang sasakyan.

Niluwa noon si Grieg na may mga kasamang lalaking naka three piece suit sa tanghali!? Hanep ah! Ang init init nakaganyan! Ayy ano ba! Bakit ba yung suot nila ang iniintindi ko! Nyemas! Si Austin!

Nakita kong tinulungan ni Grieg at ng mga kasama nito si Austin. Naramdaman ng mga kalaban na hindi na siguro nila kaya ayun. Nagsi balikan sa van at umalis. Mga duwag! Mga walang bayag amp!! Teka si Austin!

Nilapitan ko sya at tinignan ang lagay nya. Putok ang labi nya at nagkapasa agad ang bandang ibaba ng mata nya.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko.

"Do i look okay? Shit! Ang sakit ng labi ko!"

"Ha!? Teka sandali!" Nilapitan ko si Grieg at pinabuhat muna saglit sa kanya ang anak ko.

"Paki hawak muna." Sabi ko wala na syang nagawa dahil binigay ko agad sa kanya si Ashley. Wait ka lang anak ang tatay mo may sugat. Nilapitan ko ulit si Austin at pinaupo muna sa bangketa.

"Nasaan ba patingin nga?" Nagaalalang turan ko.

"Dito masakit." Sabi niya.

Hinipan hipan ko ang sugat sa gilid ng labi nya na may kaunting dugo. Nag aalala ako baka kung mapano sya. Kinapa ko ang bulsa nya para tignan kung may dala ba syang panyo. Nang may nakapa ako kinuha ko yun sa loob ng bulsa. Nag angat tingin ako sa kanya para punasan ang dugo pero, nakatigtig sya sa akin.

Ang pamilyar na tibok ng puso ko para sa kanya ay nandito na naman. Napahawak ang sa dibdib ko habang nakatitig din sa kanya. Nakita ko ang pag aalala sa mga mata nya at ang pagkunot ng noo nya.

"Aby? Is that hurts again?" Tanong nya sa akin.

Napansin nya siguro ang paghawak ko sa dibdib ko. Hindi! Hindi ito masakit, pinipigilan ko lang na tumibok ulit para sayo. Yun ang gusto kong sabihin pero ayaw bumuka ng bibig ko. Kaya umiling na lang ako.

My Palingkera Playgirl Hook My Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon