IX

3.7K 193 33
                                    


Zephyrine's POV

Napag desisyunan kong simulan na ang paglalaban para sakanila.

Kahapon din ng uwian, tinungo ko ang principal at sinabing palitan ang classroom namin, gusto kong ilipat ng building ang section namin.

Alam niyang taga-Royal Gold section ako AKA Dumbest Section daw. Pero pinagbantaan ko siya, at wala na siyang nagawa. Napaamo ko ang Principal.

Sa katotohanan, ang building A ay para sa mga sosyal na miyembro at pinaka-gintong parte ng school gaya ng main faculty room dito, museum, Gymnasium sa 10th floor, at iba pa.

Wala ngang section o mga estudyante ang nandito. Kami lang. At nagawa ko iyon sa aking taglay na alas at panglalaban. And in just one day, heto na.

Pagka-uwi ko rin by that time sa bahay, tinawagan ko lahat ng mahuhusay na mananahi at designer na tauhan ni mama sa pang apat na business niya at nagpagawa ako ng uniforms para sa mga kaklase ko.

Nalaman ko ang sukat at height nila dahil sa records na kasama dito iyon. Maaga pa ako dito sa school para paslitan ng papel ang old classroom namin na dito pumunta at para maibigay ang uniform na agad na nilang dapat suotin para sa section.

Nandito ako ngayon sa loob ng classroom. Maganda ito at malaki. Halos kalahati ng Building A ang laki ng classroom namin.

Sa facing East side, nasasakop ang buong pader ng isang diretsong hilera ng salamin na hanggang sa bawat dulo. May mga nagsisilakihan ring pula na kurtina na sapat lang para takpan ang liwanag na sisiwang sa mga salamin.

Facing west naman ay mga glass panels na ang haba ng hangganan ay sa bawat dulo rin, mayroon ding pulang kurtina rito. Sa harapan naman ay ang isang napaka laking white board. At sa likod ay mga shelf, at bulletin.

May tatlong pinto ang room. Front door dito sa unahan which is sa may white board, back door sa likod which is nandoon rin ang long glass table ni ma'am na naka puwesto sa gitna, at ang bintanang salamin na nandito sa gilid pa East dahil pag labas mo ay may veranda rito na tanaw ang buong school at wide circle sa baba.

Puti ang buong room. Sa mga kisame ay may anim na mahahabang bumbilya, sa magkabilaan ay tig-dalawa at tig-isa naman sa harap at likod. Mahabang apat ang naglalakihang ceiling aircon sa bawat sulok ng room. Sa unahan, likod, left, at right side.

May tatlo ring kahoy ang design ng mga ceiling fan at nakahilera itong sunod-sunod sa gitna habang may pagitan at layo parin sa isa't isa. Ewan ko nalang kung 'di pa kami mag yelo rito dahil kita ko narin ang pag mo-moist ng room.

May anim na shelf ng lockers at nasa likod lahat iyon. Tatlo bawat side. At ang bawat isa ay may sampung locker na sakto lang saaming lahat. Marble white ang disenyo ng sahig.

Ang chairs namin ay iba na. Kulay puti at white long tables na ito, ang mga upuan rin ay puti pero parang bench dahil iisa lang at may pintura ng gold ang itaas na bahagi ng mga ito.

Bawat isang long table ay dalawang tao, sa total ay p'wedeng apat pa nga kada isang long table pero mas maganda na ang dalawa para malaki ang espasyo sa isa't isa. Kada row ay may sampung long tables, hindi ito mag kakadikit sa isa't isa at may malaking espasyo sa bawat gitna at madadaanan.

May distansya rin ang magkaharap at likod. Anim ang row, at lane. Oh diba, sobrang laki talaga.

Sa gitna ng dulo ay ang table ni ma'am, at sa harapan dito sa kaliwang bahagi ay may table ulit para sa teacher or profs.

At higit sa lahat, pinabago ko ang section. Kami na ay ang—

The Star Section of All.

Star Section's Death (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon