XXXVIII

1.7K 96 12
                                    


Julius's POV

Nagigising na ako nang may maramdamang liwanag ang sumisinag sa mukha ko.

Agad akong napadilat at nasilaw ako sa sobrang liwanag. Napatakip naman ako sa mata ko habang nasisilaw parin

"N-Nasa langit na ba ako?" Kinakabhan kong sabi.

F*ck! Nahulog na siguro 'yung van namin n'on sa bangin! Hanggang sa may narinig akong nag tawanan.

"Gago p're LT! Hahaha! Hindi ka mapupunta sa langit! Demonyo ka 'eh!" -JC

Biglang nawala ang liwanag at pagka-silaw ko ng alisin nila ang tatlong flashlight na itinapat sa mukha ko at nag hagalpakan sila sa katatawa. Tss... Naging hell tuloy dahil sa mga loko-lokong ito.

"Hoy bumaba na kayo! Ang sabi namin gisingin niyo si Julius hindi 'yung pag tripan niyo" Sabi ni Rosela sa pintuan at umalis na. Bigla naman napadaan ang isang babaeng may edad na siguro 60 plus, inayos niya ang kanyang salamin at ngumiti sa amin.

"Mga hijo mag almusal na kayo sa baba"

"Sige ho lola, bababa narin kami" Sagot ni Aris. Tumango nalang ang lola at umalis na. Napatayo na ako at gulat na gulat parin.

"Buhay pa tayo??? Nasaan tayo???" Naguguluhan kong tanong.

"Sa baba na natin pag-usapan kasama ang iba sa hapag kainan." Sagot ni JC. Tumango nalang ako at maglalakad na sana paalis ng harangin nila akong dalawa ni Aris

"Hoy! Ayusin mo muna 'yung pinag higaan mo!" Sabay nilang sabi at napa-'huh' naman ako. Lumingon ako sa pinag higaan ko, may nakalatag na banig doon at isang unan.

"Teka," Sabi ko at nilingon sila. "Sino katabi ko matulog dito?" Nag hagalpakan naman sila ng tawa at biglang tumakbo palabas ng kuwarto.

"HOY!" Sigaw ko at napailing nalang.

Pagka-dating ko sa baba ay natanaw ko kaagad ang kusina sa left side. Isang medyo malaking pabilog na lamesang gawa sa kahoy ang nandoon at may anim na upuan.

Nakaupo na sila Rosela, Sanki, at isang matandang lalaki habang ang isang upuan sa tabi nito ay bakante pati narin ang sa tabi ni Rosela.

Sa right side naman ay ang salas. Ang iba pa naming kasama ay nakaupo sa sofa at ang iba ay sa sahig habang nag-aalmusal ng kape't pandesal. Hindi pala ganoon kalaki at ka-garbo ang bahay.

Papunta na sana ako sa salas pero tinawag ako ni Rosela at doon daw ako maupo sa may lamesa kasama nila. Lumapit nalang ako doon at naupo.

Dumating naman ang matandang babae na nakita ko kanina na may dalang kape at pandesal. Inilapag niya iyon sa tapat ko at naupo na sa tabi 'nung matandang lalaki.

"Maraming salamat po." Sagot ko nalang at kaagad kumagat 'nung pandesal dahil sa nararamdaman naring gutom.

"Wala 'yun hijo. Nga pala mga hijo't hija, maaari ko na ba kayong tanungin kung taga saan ba kayo?" -Lola

"Opo Lola Mits, pero maaari rin po ba natin munang ipaalam ang lahat ng nangyari kay Julius na hindi nalang po nakakaalam?" Nagulat ako sa sinabi ni Rosela at napatingin silang lahat saakin.

Teka, ako lang ba 'yung napa sarap ng tulog? Ngumiti sa akin ang matandang lalaki at inayos ang salamin niya.

"Ako si Lolo Tan at ito ang aking asawa na si Lola Mits. Kaming dalawa lang ang may ari nito samantalang ang tanging anak naming babae ay nasa America samantalang ang mga apo namin ay nandito sa Pilipinas pero nasa Manila."

Star Section's Death (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon