Zayn's POVTumakbo ako ng tumakbo sa abot ng makakaya ko papalayo sa kotseng iyon.
Ang bilis ng mga pangyayari, pawis na pawis na akong tumatakbo sa maaabot ng kaya ko. Dala ng takot, hindi ko pa gugustuhing mamatay.
Pakiramdam ko ay naluluha na ako, namatay si Capucine... At hinayaan ko siya. Hinayaan kong mamatay ang kapatid ko.
Habang tumatakbo palayo sa ilalim lamang ng liwanag ng buwan na tumatanglaw, bilang liwanag.
Bumalik ang alaala sa akin.
***
"Son?" Narinig kong tawag sa akin ni dad sa labas ng kuwarto ko.
Naiinis ako, kakausapin niya nanaman ako tungkol sa fix marriage niya sa akin na si Capucine Leocadia.
Padabog akong pinagbuksan si dad, at somehow nakangiti pa rin siya. Tuwang-tuwa siya dahil napapayag niya ako noon na ikasal sa takdang panahon sa babaeng iyon.
Sa pagkakaalam ko, ginamit niya akong anak niya para ikasal sa anak ng ka-business nang kumpanya niya. Humihina na daw kasi ang hawak naming kumpanya, at para maisalba ito ay ibinuya niya akong sariling anak para doon.
Can you believe it? Having a father like him. Tsk.
"Anak, may kailangan kang malaman."
"Ano nanaman, dad? Sawang-sawa na akong pinapaulit-ulit mo sa akin iyan. Diba napapayag mo na ako kahit labag sa kalooban ko? Ano pa bang gusto mo, dad!?" Huminga nang malalim si dad sa inasal ko.
Naiinis siyang may inilapag na folder sa desk ko, tinignan ko lang iyon at mukhang mahalaga.
"How come your such a disrespectful son like this!? At ang mas malala pa, kahit sa babaeng ipapakasal sayo. Gan'yan ang ipapakita mong ugali! Na parang kinakasuklaman mo siya, pero mas nakakasuklam pa 'yang ugali mo Zayn Anderson!"
"Ano nanaman bang gusto mong ipamukha dad!? Ikaw nga wala kang respeto para sa sarili kong desisyon—"
"Capucine is your long lost, step sister!"
Napahinto ako sa sinabi niya. Napahilot naman si dad sakanyang sentido at huminga nang malalim.
"I'm lying, Zayn. I'm lying. Hindi bumabagsak ang kumpanya, hindi rin ito humihina. All of this are just an act, pretend, and lies. Ninakaw at inilayo si Capucine sa atin ng tunay niyang ina. Pinahirapan niya si Capucine, at tumakas ito. Until someone adopted your sister, at iyon nga ang mga itinuturing na magulang ni Capucine ngayon. Ang kaibigan ko sa kumpanya.
"I realized she was your sister when at first I saw her paired eyes, same as yours and your mom has. At una palang, malapit ang loob ko sakanya. Nakipag sundo ako sakanya na ipa-DNA test ko siya nang palihim sa mga umampon sakanya na sila Mr. Calde Leocadia, and Mrs. Fate Leocadia. Nang sabihin ko iyon sakanila ay hindi sila pumayag.
"Bagkus, nakaisip ako ng paraan at ito nga 'yon. Hindi nila tayo hahayaang makuha lang si Capucine. Delikado rin siya ngayon sa pamilyang Langston, dahil ang mga Leocadia at Langston ay nagkaroon din ng issue dahil dito. Nakatakdang ikasal si Capucine, noon palang kay Jordan Langston. Pero mas pinili ng pamilyang Leocadia na sayo siya ipakasal, dahil naaawa sila sa pagpapanggap kong sitwasyon at malapit din naman kami.
BINABASA MO ANG
Star Section's Death (COMPLETED)
Mystery / Thriller[Book 1: Battle Between The Endless Chain] "Death will be everywhere, anytime. To your Section, on your Classmates." One Section, whose the killer of Sixty Students. Sixty Stars. Sixty Corpses. Sixty Deaths. Sixty Funerals. Sixty Students, how man...