XXXVI

2.1K 106 16
                                    


Zephyrine's POV

Home hour palang namin ngayon dahil katatapos lang ng flag ceremony, at ang next subject namin ay ang class adviser din naman naming si ma'am Daniyela na English.

Napahinga ako nang malalim. Hindi ko parin makalilimutan ang nangyari kahapon kung saan masasabi na sana si Jake kung sino ang killer pero naunahan niya kami.

Naka fu-frustrated lang. Naiistress narin ako dahil mamayang uwian ko na sasabihin ang about sa Out of Town Tourism of the Month.

Naisip ko si Olivia. Kamusta na kaya siya? Kaninang umaga nagulat ako ng ang aga niya pumasok at umiiyak sa desk niya. Lalapitan ko sana siya 'nun pero nagulat ako ng samaan niya ako ng tingin.

Tatanungin ko sana siya kung may nagawa ba ako pero agad dumating si Jen at niyakap siya. Umalis nalang ako dahil moment nila 'yun.

Lumingon ako sa paligid at nakitang inaayos ni Olivia ang mga gamit niya sa locker. Nag taka naman ako nang lumapit siya kay ma'am at may sinabi. Napalitan ng gulat ang expression ni ma'am Daniyela at mayamaya ay nalungkot ito.

Nang pabalik na si Olivia sa upuan niya ay hindi na ako nag dalawang isip na tumayo at lumapit sakanya.

"Olivia, kamusta ka na?" Tanong ko sakanya pero hindi parin siya tumitingin sa akin kaya hinawakan ko siya sa kanan niyang braso.

"Okay ka na ba?" Nagulat ako nang tanggalin niya nang pabalang ang kamay ko at tinignan ako nang malamig.

Nakikita ko ang emosyon doon na nagagalit, natatakot, at nalulungkot kahit anong lamig nito. Mayamaya ay nilagpasan niya ako ng lakad at pumunta siya sa harapan.

Napalingon ako doon at nakatayo siya doon habang nakatingin na nang matalim sa akin. Tumahimik naman ang buong klase at natuon ang buong atensiyon sakanya.

"Lagi nalang tayong namamatayan ng kaklase guys" Sabi niya at nag taka naman ang mga kaklase ko sa inaasal niya. Miski ako ay naguguluhan sakanya.

"Simula ng dumating 'yan si Zephyrine!"

Nanlaki ang mata ko sa gulat at itinuro niya ako. Napatingin naman ang lahat ng kaklase ko sa akin at iba-iba ang expression ng mga mukha nila.

"Ms. Ruins, don't act like that just because of what happened to your elder bro—"

"Ano bang ibig mong tinutukoy Olivia?" -Henrycee

"Ano pa ba? Hindi pa ba natin nahalalata? Si Zephyrine ang killer!" Nagulat naman ang mga kaklase ko at nagsimula na ang bulungan sa classroom.

Hindi ko alam pero parang tinusok ang puso ko nang maraming beses. Bakit pinaghihinalaan niya ako?

Bigla namang tumayo si Kai mula sa kinauupuan niya, lumapit naman si ma'am Daniyela sa akin, Ruisielle, Rosela, at Veriyil. Habang lumapit naman sila Henrycee, Kia, Hanz, at Joaquin kay Kai sa upuan nito.

"Wala kang patunay Olivia." Malamig na sabi ni Kai at alam kong nakatingin lang ito nang diretso kay Olivia kahit naka-talikod siya sa akin dahil nandito kami sa gitna.

"Oo nga, at paano mo nasabi?" Nananaray na sagot ni Veriyil at tumawa naman si Olivia.

"Mga *lol!!! Lokong-loko kayo ng kabutihang ipinakikita ni Zephyrine pero hindi niyo alam baka siya na ang nasa likod ng pagkamatay nating ito!"

"Masama ang paghinalaan ang kapwa lalo na ang tumulong sa atin! Hinding-hindi magagawa ni Zephyrine iyon!" Naiinis na wika ni Ruisielle.

Star Section's Death (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon