Ace's POVIlang oras pa man ang lumipas at uwian na namin.
Agad na nagsi-tayuan at nag alisan palabas ang mga kaklase ko dahil narin sa excited na umuwi. Nakakapagod rin kasi ang araw ngayon.
Nakakabakla man isipin pero ako, natatakot na akong mag-isa sa loob ng paaralan ngayon. Lalo na't tatlo na sa kaklase ko ang namatay.
Unti-unti ng nabuo ang konklusyon sa isipan ko na kaming magkaka-klase talaga ang pakay nilang patayin. Sinabi rin sa amin kanina ng officers lalo na ni Zephyrine na hanggat maaari ay dapat may kasama kami palagi.
Naiwan na ako ng tropa kong sila Brantlee, Ryan, Miguel, at Aris dahil nagsisimula na daw mag dilim at mas nakakatakot pa na dumaan sa mga hallway ng gano'n.
Kaya pinauna ko na sila at pumayag sila kahit nag-aalinlangan dahil matagal-tagal pa ako rito sa pag-aayos ng mga gamit ko. Mabait kasi ako.
Sa totoo nga 'eh, kaming anim ang grupo sa room na tinatawag na The Good Boys 'n Scouts dahil mababait daw kaming lalaki.
At dahil kami kasi 'yung tipong mga lalaki na walang sinusungitan maganda o panget, p'wede mong maging boy bestfriend, minsan sabog, masaya kasama, mga may katalinuhan, tumutulong, sumusunod, magalang, gentle man, at iba pang katangian ng pagiging mabait na lagi nilang sinasabi saamin.
Mga may itsura at guwapo din naman kami, pero nagugustuhan talaga kami sa ugali namin. Sa ka-guwapuhan nga namin dapat nasa grupo kami ng Handsome Snobers sa room na grupo nila Kai.
Kaso, mas pinili namin na gumawa ng sariling grupo dahil baka maimpluwensiyahan lang kami ng mga players, manloloko, o other BI sakanila.
Natapos ko na ang pag-aayos ko sa'king bag at isinukbit na'yon sa isa ko lang na kanang braso. Tumingin ako sa paligid kung may kaklase pa ako na natira at mayaya kong makasabay hanggang sa pag labas ng school.
Nakita ko ay si Kai na parang hinihintay si Zephyrine, ehem, I smell something sweet Hahahaha! At si Juliana na parang may hinihintay. Wait, si Juliana? Nilapitan ko siya na ikinatingin niya rin sa akin.
"Oh, Juliana. Ba't 'di ka pa umaalis?" Tanong ko sakanya habang nakatayo siya sa puwesto ng kanyang upuan. Tumingin siya sakanyang wrist watch at ibinalik ang tingin saakin.
"Si kuya Ryan kasi 'eh, ang tagal niya bumalik. 5:20 pm na."
"Si Ryan? Kanina pa sila umalis kasama ang tropa ko." Napangiwi siya sa sinabi ko at isinukbit ang kanyang bag. Abnormal na Ryan 'yon, bait diba?
"Hay, kuya talaga 'eh!" Padabog siyang nag lakad paalis at pumunta sa pinto.
"Hoy! Juliana! Samahan na kita," Lumapit na ako sakanya at lumabas na kami ng pinto. "Para safe, iniwan din kasi ako ng magaling 'mong kuya. Naku, si Zephyrine na nga nagsabi na huwag hayaang walang kasama."
Tumango nalang siya at nag lakad na kami papunta sa elevator. Nang makasakay na kami ay pinindot ko ang ground floor.
"Ace, dapat nag hagdanan nalang tayo." Parang natatakot niyang sabi.
"Bakit?"
"Parang mas nakakatakot kasi dito sa elevator. Paano kapag bukas ng elevator at bigla nalang din may sumaksak sa atin?" Natawa ako sakanya. Ang paranoid ng babaeng 'to.
"Hala, oo nga." Pag arte ko. Pagtitripan ko siya, hahahah!
"Ace naman 'eh!"
BINABASA MO ANG
Star Section's Death (COMPLETED)
Mystery / Thriller[Book 1: Battle Between The Endless Chain] "Death will be everywhere, anytime. To your Section, on your Classmates." One Section, whose the killer of Sixty Students. Sixty Stars. Sixty Corpses. Sixty Deaths. Sixty Funerals. Sixty Students, how man...