"Son!!! Ano ka ba! Bitawan mo! Si Zephyrine 'yan!"Son's POV
Nang sabihin iyon ni Dangela ay agad kong binitawan ang kapirasong patalim ng salamin na idinikit ko sa leeg niya.
Dali-daling tumakbo si Dangela at ang tatlo niya pang kasama kay Zephyrine. Halos nagulat siya sa nangyari. Hinarap niya ako at binigyan ng mahinahong tingin.
"Bakit mo ako didikitan ng patalim sa leeg?" Huminga ako nang malalim at binitawan na ang hawak kong iyon.
Napailing naman ang mga ka tropa naming lalaki sa akin at bakas kong kinakabhan si Dangela ngayon.
"Kami ang mga classmate mong suki sa cutting classes," Diretso lang ang tingin niya sa akin at ngumiti ako. "Pasensiya na kung hindi ko agad namalayan na ikaw yan, Zephyrine. Ganito ang ginagawa namin kapag nag cu-cutting classes kami, hindi namin hahayaang mahuli kami dahil 'yon ang ayaw mangyari ni Dangela tuwing pinipilit lang namin siyang sumama sa aming kalokohan."
Napatingin si Zephyrine kay Dangela at napayuko ito habang mahigpit na hawak ang libro.
"Tinatapatan namin sila ng pekeng matalim na bagay at tatakutin ang mag lilista sa amin ng record. Pero ngayon, mukhang mahirap nga kalabanin ang bagong naglilibot dito. Sorry, Zephyrine." Tumango nalang siya at lumapit kay Dangela.
Tinapik niya ito sa braso at binigyan ng malambot na ngiti. Tinignan niya naman kami isa-isa.
"Sa lagay ng inyong ginagawa ay ipinapakita niyo bang kayo ay mga Bad Boys?" Nagkatinginan kaming lahat at napangisi. Ganon din si Dangela na ikinatataka ni Zephyrine sa amin ngayon.
"Welcome sa grupo Zephyrine. Kami muna ang mababahala sayo ngayong cutting classes hours namin." Tugon ni Bryant. Halos magulat si Zephyrine dahil ang isa sa mismong officer ng classroom ay susuway.
"Kami ang, The Four Bad Boys And Dangela. Group." Sabay-sabay naming sabi at nanlaki ang mga mata ni Zephyrine.
"Teka lang, mala-wattpad story?" Tanong niya. Nag tanguan kami at nag tawanan, napatawa nalang din siya. "Paano nangyari?"
Inilahad ni Dangela ang kanyang kamay sa tapat ni Zephyrine.
"Sumama ka sa mundo namin, dahil kami ang grupong nababahala sa iyo ngayon." Nagka-tinginan kami. Papayag kaya ang isang classroom president, at masunuring estudyante na si Zephyrine na mag cutting classes?
Tinignan ni Zephyrine ang kamay ni Dangela at ibinaling din sa amin.
"I've never done this thing. P'wede bang lunch time? Sa classroom? Or any free time?"
"Ito ang mundo namin Zephyrine, dapat dito ka rin papasok kung nais mo nga kaming makilala at mabahala muna sa aming grupo." -Tris
"Don't worry," Sabi ni Dangela at binalik ni Zephyrine ang tingin sakanya. "Ito ang first at hindi mo makakalimutang cutting classes. Dahil ang pagpasok mo sa grupo namin ay ang pagpasok mo rin sa mundong pinamumunuan ko sakanila."
Napatingin sa paligid si Zephyrine at huminga nang malalim.
"As in ngayon na tayo mag cu-cutting classes?" Nag tanguan kami at huminga nalang din siya ulit nang malalim. "Ok—"
"Welcome to wattpad world, welcome to the real life na masasaksihan mo of The Four Bad Boys And Me story by Blue maiden. But we're different, namumuhay parin kami sa kung sino kami." Sabi ni Dangela at agad hinatak si Zephyrine at tumakbo sila ng mabilis.
BINABASA MO ANG
Star Section's Death (COMPLETED)
Mystery / Thriller[Book 1: Battle Between The Endless Chain] "Death will be everywhere, anytime. To your Section, on your Classmates." One Section, whose the killer of Sixty Students. Sixty Stars. Sixty Corpses. Sixty Deaths. Sixty Funerals. Sixty Students, how man...