XX

2.4K 148 9
                                    


Zephyrine's POV

Nasa library kami ngayon.

Naka yuko lang sila habang tahimik na nag babasa ng libro. 'Teh, 'di ko kaya 'to.

"Tama ba 'tong sagot sa libro?" Tanong ni Shayla habang nakatingin parin sa libro.

"Anong libro 'yan?" -Hanz

"Math." Jusko.

"Ano bang problema?" Tinignan ni Rosela ang pahina ng libro ni Shayla at hinanap ang page n'on.

"Four x plus y is equal to eight. X is four and y is eight. Exponent of y is subtracted with the equal answer. X plus eight is equals to zero, and zero divided by four y is four." Sabi ni Henrycee ng dire-diretso at inayos ang salamin.

My Goodness, iniiwasan ko na nga 'yung Math pero pag kasama ko 'tong mga 'to I can feel the presence of having a brain tumour on my head.

"Tama naman ah!" -Hanz

"Hell no! It's a mortal sin!" -Shayla

"Wait, tama si Hanz!" -Rosela

"Hindi kaya! Zero is undefined number!" -Shayla

"Shayla, this is algebraic expression! Kailangan sa whole number may maididivide!" -Hanz

"Ang number na zero ba na maidi-divide sa four ay whole." -Shayla

"Puwede namang 'yung four ang idivide by itself." -Rosela

"So, two ang talagang sagot." -Hanz

"Yah, and not FOUR." -Shayla

"And absolutely not ZERO. Tsk." -Hanz

"No matter what operation is conditioned in zero, zero is zero and it's also an Math Error on a calculator. Zero is an undefined number until today." Inayos ni Henrycee ang salamin niya at huminga nang malalim.

Tumingin siya sakanyang mga kaibigan at nakita ko rin ang lungkot sakanila. "Rule of August."

Nabakas ko na kung bakit sila nalungkot... Naaalala nanaman nila ang kaibigan nila. 'Di ko sila masisisi, dahil magkakaibigan sila.

"The earth is not a circle, it's not even a perfect sphere." Natawa si Rosela at tumingin sa amin. "Icy Newton."

"Damn, Icy. I'm getting more miser of you—" Naputol ang sinasabi ni Hanz ng sumabat si Rosela

"Anong miser? Missed kasi—"

"A new word is added to the dictionary every two hours." Ngumiti si Shayla sakanilang dalawang. "A fact of Bluebell twins."

"When you think of the past, it just happened five seconds ago. Byen's AP trivia." Inangat ni Henrycee ang ulo niya at ngumiti sa amin. Nakikita ko na ang pagkinang ng salamin niya.

"They died,.. Five seconds ago."

Napansin ko na ang pag tulo ng mga luha nila. Agad nila iyong pinahid at inayos ang mga salamin nila.

Oo, siguro nga kung titignan mo sila pag nag dedebate ay matapang at handa silang ipaglaban ang mga sagot nila. Pero may parte sakanila na mahina sila, na maliban sa bumagsak sa isang subject ang makakapag paiyak sakanila ay mas masakit parin para sakanila na mawalan ng ilan sa kanilang kaibigan. Wala silang kahinaan sa kahit anong subject,

Pero pag dating sakanilang mag kaibigan, walang magagawa lahat ng talino sa isip para maging masaya maliban sa medalya.

"Sorry Zephyrine kung ang drama namin." -Shayla

"Miss na miss lang namin sila." -Hanz

"Sorry dahil hindi kami 'yung mga kaklaseng gusto mong makitang matatag at lumalaban sa ngayon." -Henrycee.

Ngumiti ako. Tumayo ako sa upuan ko at niyakap silang apat.

"Sometimes, it's better to cry and let out all the pain. Naiintindihan ko kayo, lahat tayo may kahinaan. Kailangan 'yung kahinaan nating ito ay ang pag sanayan natin para makalaban tayo." Tinapos ko na ang pagkakayakap sakanila at muli ko silang nginitian.

"It's ok to cry for now. But don't forget to stand up again and face our weakness." Isa-isa kong hinawakan ang mga kamay nila. "We'll have the justice for our classmates, to your friends."

Nanginang ulit ang mga mata nila. Tumayo sila at agad lahat nila akong niyakap. Narinig ko na ang pag hagulgol nila, nag alis narin sila ng mga salamin. Napangiti ako at niyakap rin sila.

Nang mahismasan ay napag desisyunan naming pumunta na sa classroom dahil malapit ng mag time ang recess. Habang naglalakad ay nakangiti naman sila habang nag-uusap kami sa unahan ni Henrycee.

"Mag iingat na kayo palagi." Sabi ko kay Henrycee.

"So do you." Tumango ako sakanya.

"And don't give your trust always." Dugtong niya. Nalito ako sa sinabi niya at agad siyang nilingon.

"Anong ibig mong sabihin?" Huminga siya nang malalim. Inayos niya ang kanyang salamin at tumingin nang diretso sa akin.

"We don't know kung sino ang tunay na kalaban natin. Baka 'di natin alam, may taksil narin palang umiisa-isa sa atin."

***

This chapter is dedicated to: ericka_munar

Star Section's Death (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon