"Ahhhhhhh!"Zephyrine's POV
Bigla akong napabangon nang gising, hindi ko alam na umiiyak rin pala ako.
"Zephyrine? Hush... You're fine." Napalingon ako bigla sa nagpunas ng luha ko, nakita ko si Kai na lumuluha rin at ngumiti sa'kin.
Tumingin ako sa paligid. Nakita ko ang mga kaklase ko rin na umiiyak, nagsi-ngitian sila sa'kin at mayroon din mga biglang tumakbo sa'kin para yakapin ako.
"T-teka, baka ma-suffocate ako sa drama niyo na 'di ako aware" Natawa ako kaya napatawa nalang din sila habang papahid-pahid ng mga luha.
Sumandal ako sa headboard ng kama na napansin kong hospital bed pala. Tumingin ako sa paligid na malaking puting kuwarto kaya nagkasya ang mga kaklase ko. May malaking bintana at terrace din.
Tinignan ko ang suot kong naka-hospital gown, ang mga dextrose na naka-tusok sa'kin. Nang gumalaw rin ako ay nakaramdam ako ng pag kirot sa ulo ko. Napahawak ako doon at nalamang naka-benda 'yon.
Tumingin ako sakanila. "Anong nangyari sa'kin? At bakit kayo umiiyak?"
Lumapit si Kia sa kabilang side ng kama ko sa kanan, hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan nang mariin ang likod na palad ko.
"Nahulog ka mula 20th floor hanggang ground floor. Buong buwan ka na ng November natulog at na-comma." Sabi niya.
"Duguan ka sa nangyari Zephyrine. Nagka-sugat, galos, bali, pilay, at lalo na ang ulo mo na ilang beses tumama. Isang milagro na buhay ka pa matapos mahulog sa mataas at matarik ring hagdanan na'yon. At ang naaalala mo pa kami." -Rosela
"Nilagyan na ng doctor ng taning ang buhay mo, na kapag bukas, December 16. Hindi ka pa nagising, mamamatay ka na." -Kia
"Thank God!" Sigaw ni Ruisielle habang naiiyak-iyak parin sa tabi ni Ephraim, chance naman ni Ephraim 'yon para mag da-moves.
Natawa nalang ako. "Natakot ba kayo?"
"Oo! Gaga ka ba? Matapos ng mangyari sa inyo do'n?"
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Veriyil. "Sa inyo? Ano ba buong nangyari sa'kin?"
Tinawag ni Kai si Henrycee, may dalang laptop si Henrycee na inaayos niya. Humarap sa'kin si Kai at huminga nang malalim.
"Are you sure na gusto mo malaman ang nangyari sayo?" Tumango ako sakanya. Bakit may pakiramdam akong kinakabhan?
Nilapag ni Henrycee sa lap ko ang laptop at pinlay niya 'yon. Isa 'yong CCTV footage sa lahat ng puwesto kada-floor sa fire exit.
Bali 20 CCTV cameras ang 'meron, nagsimula ang CCTV sa 20th floor. Pumasok ako doon at dinampot ang papel.
Bago ko matuloy ang pinapanood ay napalingon ako kay Kai "Nasa'n 'yung papel? Nakita niyo ba?"
"Papel? 'Yung pinulot mo diya'n sa video? Napansin namin kinuha ng tumulak sayo sa hagdanan—" Teka, oo, may tumulak sa'kin.
Bigla kong binalik ang tingin sa pinapanood at hindi na pinatapos si Kai. Nakita kong nahuhulog na ako sa hagdanan at sinusundan ako ng naka-itim na tao, ang killer.
Huminto ang pag gulong ko sa may 18th floor pero itinulak ulit ako nang mas malakas pa ng killer na wala ng malay. Nag tuloy-tuloy ako sa hagdanan pero hindi ko na'yon nasubaybayan nang—
Biglang bumukas ulit ang pinto sa may fire exit ng 20th floor at lumabas doon si kuya Zachary na may dalang baril. Nanlaki ang mata ko sa gulat.
BINABASA MO ANG
Star Section's Death (COMPLETED)
Mystery / Thriller[Book 1: Battle Between The Endless Chain] "Death will be everywhere, anytime. To your Section, on your Classmates." One Section, whose the killer of Sixty Students. Sixty Stars. Sixty Corpses. Sixty Deaths. Sixty Funerals. Sixty Students, how man...